Chapter 12

78.6K 1.2K 72
                                    

"The question isn't who is going to let me; it's who is going to stop me."

― Ayn Rand


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


"Uy, bagay sayo 'to."


"Akin na lang 'to."


"Dibs on this!"


"Gusto ko lahat pero bakit hindi pwede?!"


Inikot ko ulit ang paningin ko sa kwarto ni Loreez. Ang laki talaga. May sarili na ngang bathroom, may walk-in closet pa. Mga rich kid talaga oh.


Oh, did I mention that it's the contest day?


Nasa walk-in closet sila ngayon at ako, nakahiga lang dito sa napakalambot at napaka-laki niyang kama. Kung kasya lang 'to sa kwarto ko edi sana hiningi ko na 'to.


"Hoy, Zhaira. Pumunta ka nga dito!" sigaw ni Loreez mula sa loob.


"Wag na! Ayokong mag-dress!"


Biglang lumabas si Loreez mula sa closet niya, "Hindi pwede." And with that, agad niya akong hinila patayo.


Mga 20 minutes siguro akong naningin pero wala talaga akong mahanap. Lahat sila maganda pero nanghihinayang lang talaga akong suotin. And besides, alam ko namang hindi sila babagay sakin.


"Zhaira! Omygod, this is perfect!!" lumapit sa akin si Cyrene na may hawak-hawak na dress. Isang magandang dress.


Simple lang siya - black skirt na pahaba at flowy sa likuran, at ang upper part ay mix ng color gold at black na tribal pattern.


Hindi ko inamin na gusto ko ang dress pero nakita yata ni Shiela ang approval sa mga mata ko dahil bigla siyang ngumiti at pumalakpak, "Okay! Time for hair and makeup!"


No. NO. Hindi ako lalabas sa bathroom na 'to. This will be my new home.


"Zhaira Alvarez! Lumabas ka na dyan!" sigaw ni Shiela at sumunod na ang sunod-sunod na pagkatok.


Tiningnan ko ulit ang babaeng nasa salamin. Naging wavy ang buhok niya at may kung anong ginawa sa mga mata niya. 'Smoky' eyes daw sabi nila. Ugh, naninibago pa rin ako.


"Ako na bahala." narinig ko ang boses ni Loreez at ang pag-jingle ng mga susi. Shit.


Nagbukas na ang pinto at agad akong hinila ni Adele palabas, "Bakit mo tinatago ang sarili mo? It's time to show the world our new Zhaira."


<CYRENE'S P.O.V>


Bakit ba kasi kami tumatakbo ngayon!? Hello?! Ladies in heels here!!!

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon