Chapter 2

118K 1.8K 181
                                    

"Once a person turns cold, it's hard to change back into who they used to be. They have to let go of the past and learn how to trust again." -Sonya Parker


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAIRA'S P.O.V>



Nag-ring ng pangalawang beses ang bell, meaning, nakaabot pa kami sa grace period. We are saved.



"Oy! Para kayong nag-marathon dyan ah?" natatawang sabi ni Cyrene nang papunta na kami sa pwesto namin.

Cyrene Lopez. Recent friend. Nag-click agad sila ni Shiela, eh. So why not.


"Si.. Zhai.. kasi eh.. ang tagal.. mag-ayos.. HOO!!" sumalampak si Shiela sa upuan nya at huminga na para bang mauubusan sya ng hangin.


Pwede na syang maging artista kaso medyo, no, masyado O.A. eh.


Umiling na lang ako at dumiretso sa upuan ko. Nadaanan ko si Loreez na, as usual, nag-aaral agad.

Loreez Lucido. Friend ni Cyrene. Matalino , mayaman, at (thank God) tahimik.

Pumasok na si prof. at nagsipag-balikan na ang mga kaklase ko sa kani-kanilang pwesto.


Ako, nasa second row sa likod, sa tabi ng bintana. Si Shiela, katabi ko. Si Cyrene, nasa harapan ko. Si Loreez, nasa harapan ni Shiela. Clingy ba masyado? Okay lang, I'm not complaining.


"Midterm week is coming. Mahirap ang Chemistry, kaya yung mga kailangan ng super push sa pag-aaral, gawin nyo na ng maaga." Pagkasabi ni prof. nito, tumingin sya sa akin. Abaaaa. Tinaasan ko siya ng kilay bago tumingin sa labas ng bintana. Ugh. Eh sa mahina nga sa Science ang kalaban nyo eh. 


Nakarining ako ng mahinang pagtawa. Tiningnan ko ang pinanggalingan nito - galing sa nerd kong kaklase. Stereotypical na kung stereotypical, pero duh, he's giving off the typical nerd vibe. Glasses, braces, and SOBRANG KAYABANGAN.


Kung hindi pa ba ito nagp-prove na malaki ang galit ko sa mga katulad niya, then ewan ko na lang.


Nag-start nang magturo ng scientific numbers and alien language si prof. At ibinalik ko na ang atensyon ko sa labas ng bintana; walang ibang nasa isip kundi ito: "Gusto ko nang matapos ang araw na 'to, punyeta."


"Aray ko, puta!" hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kawalan pero nagising na lang ang diwa ko nang nakaramdam ako ng isang sobrang sakit na kurot sa braso ko.


Tiningnan ko ng masama si Shiela, pero mukhang pinipigil niya ang kanyang ngiti habang nakatingin sa ibang direksyon.


Sa isang tao. At mukhang sa reaksyon ng mga babae sa classroom na ito, kilala ko na kung sino ang pinagp-pyestahan ng mga mata nila.


"Yo, Miss, sorry I'm late."


Nakarinig ako ng pag-"haaaaayyy" mula sa mga babae. I rolled my eyes.


YUCK. EW. GUYS. Si Geoff lang 'yan. Bakit sobrang nababaliw kayo sa pinsan ko? Tiningnan ko ang aking kaibigan na nasa tabi ko. Okay, nevermind.


Naka-rinig ako ng bagong set ng pag-gasp, at ang malakas na pag-"OMG" ni Cyrene.


Tumingin ulit ako sa pinto.


"Sorry. Late."

"Eeeeeepppppp."


Seryoso. Yun yung tunog na ginagawa ng mga babae dito habang pilit nilang pinipigilan ang pagtili nila.


Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon