Chapter 11

78.2K 1.3K 98
                                    

"It is impossible to live without failing at something, unless you live so cautiously that you might as well not have lived at all - in which case, you fail by default."

― J.K. Rowling


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


"Ano ba!! Ang gulo mo!!"


Nanlaki ang mga mata ko at lahat ng ulo dito sa loob ng room ay lumingon sa pwesto nila Cyrene at Gio.


"Mr. Garcia and Ms. Lopez, kung maghaharutan lang kayo diyan, I suggest na lumabas na lang kayo." sabi ng professor namin.


"Si Gio kasi!" padabog na sabi ni Cyrene at sumandal ng naka-crossed arms sa upuan niya. Nag-pout pa siya.


Si Gio naman, mukhang nagpipigil ng tawa habang nakatingin kay Cyrene, with a glint of amusement in his eyes.


Napailing na lang ako habang nakangiti. Simula kasi nung nagkatabi yung dalawa, sobrang naging riot at ingay na ng room.


Napa- "Ah!" si prof na para bang may naalala. Itinigil muna niya ang pagtuturo at humarap sa amin.


"By the way, there's a singing contest for your batch. Who wants to join?"


Oh, this. Every year naman 'tong ginagawa eh. Since wala namang kwenta 'to, walang nagtaas ng kamay.


"Princess, gusto mong sumali?" bulong sakin ni Zyren.


"No."


"Why?"


"Ayoko."


Isang buntong hininga ang narinig ko at alam kong sumuko na siya.


"Prof! Si Cyrene daw!" tumingin kami kay Gio na nakataas ang isang kamay at ang isa naman ay nakaturo kay Cyrene.


Hinampas ni Cyrene ang armchair niya sabay tayo at turo kay Gio. "ANAK KA NG!! NAKAKADAMI KA NA HA!"


Nag-nod naman si prof at sinulat ang name ni Cyrene sa papel na nasa desk niya.


Sumandal lang si Gio sa seat niya na may suot na evil smirk.


"Okay. Cyrene's on the list. Other volunteers?"


"Teka, teka, teka! Kung kasali ako, dapat kasali din si.." tumingin sa akin si Cyrene. I gave her my deadliest glare, "Loreez!!"


Huminga ako ng malalim kasabay ng pagsigaw ni Loreez, "WHAT?! NO!!"


Pero naisulat na ni prof ang name niya. Yung totoo, volunteering pa ba ang tawag dito?

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon