Chapter 18

75.1K 1.1K 131
                                    

"It's so hard to forget pain, but it's even harder to remember sweetness. We have no scar to show for happiness. We learn so little from peace."

― Chuck Palahniuk, Diary


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


"Omg! Excited na ko!!!" sigaw ni Adele pagka-andar ng van.


Nakaupo ako ngayon sa likod ng van kasama sila Rei, Baby, at Zyren. Sa gitna naman sila Kenrick, Gio, Cyrene, at Loreez. Sa unahan si Adele. At siyempre, solo flight ulit sila Shiela.


"Zhai, tulog muna." sabi ni Rei.


"Princess, dito ka sa balikat ko." pagbabanta ni Zyren.


"Honey, inaantok ako~" singit naman ni Baby.


Huminga ako ng malalim. This is going to be a looooong ride.


"Zhaiiii! Namiss ka namin!!" sigaw ni Jim at Jan pagkababa namin sa van. Mukhang nauna yung van nila na makarating.


Pinigilan naman ni Zyren at Rei ang kambal. Huh, at least may pinagkakasunduan silang bagay.


"Zhaira~" tatakbo na sana papalapit sa akin si Pink nang bigla siyang hinila ni Rence, "Hep, hep! Tulungan mo ko sa mga bagahe mo."


"Asan na ang mga chickababes?" tanong ni Pol.


"Buti na lang may abs pa ako." sabi ni Pep.


"Sus, hindi ko na kailangan ng abs kung nasa mukha ko na ang lahat." sabat ni Zac.


"Ang buong pagkatao at budhi ko ang lapitin ng mga babae." pagmama-yabang ni Jack.


"Ilang araw tayo dito?" tanong ko kay Shiela nang makalabas siya sa sasakyan ni Geoff.


"One week." Tiningnan ko siya, "What? Bakit ang tagal?"


"Dito na daw tayo magce-celebrate sa October 10." singit ni Adele. Kumunot naman ang noo ko. "Anong meron sa araw na 'yon?"


Napanganga naman ang mga kaibigan ko at narinig kong tumawa ng mahina si Rei.


Umiling na lang si Shiela at tinapik ang balikat ko, "Malalaman mo rin, my ignorant best friend."


"Oh, eto na daw yung mga susi." sabi ni Adele pagka-galing sa receptionist, "Tigda-dalawang tao daw bawat room."


Nagbunutan na lang kami kung sinu-sino ang makakasama namin sa kwarto. Ang results: Si Cyrene at Loreez; Shiela at Pink; Ako at si Baby. Sigh.

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon