Chapter 19

70.8K 1.2K 87
                                    

"You can't live your life for other people. You've got to do what's right for you, even if it hurts some people you love."

― Nicholas Sparks, The Notebook


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAIRA'S P.O.V>


"Fck. Sht. Damn it. Agh!"


Kumunot ang noo ko at inimulat ang mga mata ko. Kukusutin ko na sana ang mga mata ko pero hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Nakatali ang mga ito sa likod ko habang nakaupo ako sa isang silya at nakatali din ang mga paa ko.


"Zhai!" tumingin ako sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kenrick na nakatali din tulad ko.


Tiningnan ko kung nasaan kami. Parang isang abandonadong basement.


"I knew that person screams trouble." rinig kong bulong ni Kenrick sa sarili niya.


"Ano?" tiningnan ko siya nang biglang nagbukas ang pintuan at pumasok ang apat na lalaki na hindi siguro lalayo sa edad namin. Tumayo sila sa harapan namin.


"Ikaw si Baby Z?" tumaas ang isa kong kilay nang tinanong ako ng isa at tiningnan ako mula taas hanggang baba. Pero nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kong nandito pala si Kenrick. Shit.


Magsasalita na sana ako para mag-deny pero biglang nagsalita si Kenrick, "Who's your leader?"


Tiningnan siya ng kumausap sa akin at ngumiti. Mukhang siya ang pinagkatiwalaan sa pagki-kidnap sa akin. At teka, bakit ba nandito si Kenrick?


"Who's your fcking leader?!" sigaw niya Kenrick nang hindi pa rin siya sinasagot.


Tumingin yung kumausap sa akin sa tatlo niyang kasama at tumango. Mala-demonyong ngumiti ang tatlo at dahan-dahang lumapit sa pwesto ni Kenrick.


Not good.


Habang iniisip ko ang gagawin ko para makawala dito bago pa nila bugbugin si Kenrick, biglang nagbukas ang pintuan at pinakita ang isang babae.


Nakataklob ang ilong at bibig niya gamit ang isang bandana. Medyo mataas rin ang pagkakataklob niya kaya hindi ko masyado makita ang mga mata niya. Naka-itim siyang tank top na may sulat na SD sa unahan.


It's her again. Lagi siyang nagpapakita kapag kailangan ako ng tulong. I tried talking to her once pero agad siyang umaalis tuwing lalapit pa lang ako.


Hindi siya nagsalita. Lumapit siya sa apat na lalaki at tumayo sa harapan nila habang nakapamewang. Walang nagsasalita sa kanila nang biglang sinipa ng babae ang pinakaiingatan ng isa sa kanila. Napa-"oohh" si Kenrick marahil nakikidamay sa sakit ng kanyang kapwa lalaki.


Ito ang nag-udyok sa iba para sugudin siya. Pero mukhang expected na ng babae ang mga galaw ng iba. Akmang susuntukin na siya nung isa pero nakaiwas siya at sinipa ang lalaki sa tiyan. Nagka-palitan ng mga suntok at sipa pero hindi agad-agad nagpapatalo ang apat.

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorWhere stories live. Discover now