Chapter 16

72.3K 1.1K 79
                                    

"A lie can travel half way around the world while the truth is putting on its shoes."

― Mark Twain


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAIRA'S P.O.V>


Nanigas ako. I didn't expect this.


"Uhh, Rei." bumaba ako sa motor niya at tiningnan naman niya ako na parang nagtatanong.


"Pwede bang umuwi na muna ako?"


Bumaba na rin si Rei sa motor niya, looking concerned. "Okay ka lang ba? Nahihilo ka ba? Masyado bang napabilis yung pagpapatakbo ko?"


Naramdaman ko ang tingin sa akin ni Kenrick. Sinulyapan ko siya at nakitang may maliit na ngiti sa labi niya habang nakatingin sa akin.


Kumunot ang noo ko at ibinalik ang atensyon kay Rei. Bumuntong-hininga ako at umiling, "Never mind. I'm fine." I think.


"I think I know you." Damn it. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Nakapasok na kami sa hideout at mukhang pagsisisihan kong hindi na lang ako umuwi.


"Yo, Rei, what's her name?"


"Ah, right. Pink, meet Zhai. Zhai, meet Pink."


"Zhai? Zhai ano?" tanong ni Pink.


"Zhaira Alvarez." pagkasabi ni Rei ng full name ko, biglang lumaki ang mga mata ni Pink at tiningnan ako.


Nagulat na lang kami ni Rei nang bigla akong niyakap ni Pink.


"Hoy, Pink! Di ko alam na babae din pala ang hanap mo." halata pa rin sa boses ni Rei ang pagkagulat.


"Shut up, Rei. I just want to hug her." sabi niya kay Rei. Bigla siyang bumulong sa akin, "I missed you. And don't worry, ang laki ng pinagbago mo, they won't recognize you."


Kumalas na siya sa pagkaka-yakap sa akin, ngumiti, at naglakad papalapit kay.. Shiela?


"Hey, have I seen you before?" tanong ni Pink sa kanya. Teka, si Shiela? Nagkita na ba sila? Matalas ang alaala nitong si Pink kaya 98% na tama ang mga alaala niya.


"Huh? Uhh, nope. Ngayon lang kita nakita eh." nakakunot noong sagot ni Shiela.


"Are you sure?" halata sa boses ni Pink na nagdududa siya.


Kumunot ang noo ko. Pero baka naman nakita lang ni Pink si Shiela sa kung saan. There's no way na magkakilala sila.


Tiningnan ko ang mga iba kong kasama. Nagpapa-kilala sila sa isa't-isa. At halata sa mukha ni Adele na heaven para sa kanya ang lugar na ito. Sabagay, magaganda nga naman ang itsura ng lahat dito.

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorWhere stories live. Discover now