Chapter 13

83.8K 1.2K 109
                                    

"When someone loves you, the way they say your name is different. You know that your name is safe in their mouth."

― Jess C. Scott, The Intern


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


"Oh my gosh, Zhaira Alvarez!!! Bakit natutulog ka pa?!" Napamulat na lang ako sa isang galit na Shiela na hawak-hawak ang kumot na nakatakip sa buong katawan ko.


Inikot niya ang paningin niya sa kama ko at napansin ang pagka-gulo nito. Agad siyang ngumiti.


"Zhai, diba hindi ka naman malikot matulog? Bakit ang gulo ng kama mo?" pang-aasar niya. Inirapan ko na lang siya at dumiretso sa CR.


Oo na, hindi ako nakatulog ng maayos. Bwisit.


Nang isasarado ko pa lang ang pintuan ng CR, sumigaw si Shiela, "Dalian mo! Naghihintay na sa labas si Zyren!"


Let's just say na muntikan na akong madulas at mamatay.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya pagkalabas namin ng bahay ni Shiela.


"Uh, hinahatid ka?"


"Maglalakad lang ako."


Nag-shrug sya, "Okay lang."


"Kasama ko si Shiela."


"Umh, wait." biglang singit ng kaibigan ko, "Andun lang yung kotse ni Geoff oh." Turo niya sa likod namin at nandun nga si Geoff na nakalabas ang ulo sa bintana ng kotse niya at kumakaway.


Dang it.


"Hehe. Bye!" at dahil best friend ko siya, iniwan niya na ako kasama ang lalaking alam naman niyang awkward na ako.


Bumuntong-hininga na lang ako at nagsimulang maglakad.


"Uy, amusement park bukas ha." sabi ni Zyren na kasabay ko sa paglalakad.


Oh, by the way, ang nanalo nga pala sa contest ay si Shiela, at of course, si Geoff ang pinili niya at naisipan nilang sa amusement park pumunta.


Diba dapat sila lang dalawa? Pero hindi ko ba alam kung bakit biglang naisipan ni Zyren na sumama kami - patago. Yes, hindi alam nila Shiela na pupunta rin kami dun. Kasi naman, para saan pa yung prize diba?


Nag-nod lang ako kay Zyren at hindi na sumagot. Shit, sabi ko na eh - AWKWARD.


Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Binilisan niya ang paglalakad at huminto sa harapan ko. "Look. I'm serious, okay?"


Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon