Chapter 8

81.9K 1.3K 106
                                    

"It is never too late to be what you might have been."

― George Eliot


▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄▀▄


<ZHAI'S P.O.V>


This is it. Exams week na. So help me, Lord.


Pero unlike nung mga past exams ko, hindi ako ngayon masyado kinakabahan. And yes, even thoug I hate to admit it, malaking tulong sa akin yung tutor kong 'yon.


Matapos lang ang araw na 'to, okay na ako. Bakit kasi sa first day pa napapunta yung Chemistry.


Naging familiar ang mga words at ibang formula na nasa test paper, kaya naman ang ginawa ko ay inalala ang mga tinuro sa akin ni Ren.


Narinig ko na ang bell at pinass na namin ang test papers namin. And guess what? Hindi ako pinagpawisan tulad ng dati.


"Yes! Tapos na rin sa wakas!" sigaw ni Shiela habang nag-uunat nang palabas na kami ng room.


Saktong paglabas namin, nakasalubong namin ang Four Jacks. Nagtama ang tingin namin ni Zyren pero agad niya itong iniwas.


Seriously? Hindi pa rin niya ako papansinin? And why the hell am I bothered? Puta. Ano ba kasing problema niya?


Dumiretso na lang kami sa court ng school at umupo sa mga bleachers.


"Bakit 'di na sumasabay satin yung apat?" walang-malay kong sabi. Argh. Bakit ba hindi ko na ma-control ang bibig ko?


Tiningnan ako ni Cyrene na may kakaibang ngiti, "Uuuy~" tinusok niya ako sa tagiliran, "Nami-miss mo na si Prince 'no?" At sinundot niya ulit ako sa tagiliran.


"Baliw. Naninibago lang ako." Totoo naman eh.


"Baka naman kasi nagtatampo pa rin sayo." sabi ni Loreez.


"Ano ba kasing ginawa ko?" Seryoso. Nagtataka na ako. Wala naman talaga akong maling ginawa ah?


"Hello, pinagtabuyan mo kaya. Eh halata namang gusto kang makasama nung tao." as a matter of fact na sabi ni Shiela. Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Tch.


"Kasi naman sis," paninimula ni Adele. "Kung ipagtatabuyan mo rin lang, dapat sa akin na." Pagkatapos nyang sabihin 'yon, sabay-sabay siyang sinapok sa ulo ng tatlo.


"Mga hinayupak! Nabawasan ang brain cells ko!" sigaw niya habang inaayos ang kanyang buhok.


May dumaan na dalawang babae sa harapan namin.


"Tsss. Ang kapal ng mukha nya no?" malakas na sabi ng isa habang nakatingin sa pwesto namin.

Behind His Glasses | previously My Nerdy TutorWhere stories live. Discover now