Chapter 14 "Your Officially My Fake Girlfriend" (Revised)

6K 40 5
                                    


Kinabukasan ay na-late ng gising si Gail kaya naman nagmadali agad siya ng kilos at nag-ayos. Pagbukas niya ng pintuan niya ay nagulat siya at natigilan nang makitang nakatayo dun si Yohan.

"Yohan? Anong-" 

"Good morning Gail. Mukhang nagmamadali ka ata ah." Ngiting bungad na sagot sa kanya ni Yohan.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

Pero hindi siya sinagot ni Yohan. Bigla na lang siyang hinawakan nito sa kamay at hinila.

"Oy teka! San mo 'ko dadalhin?" Gulat na tanong ni Gail.

"I have a surprise for you." Yohan said.

"Surprise?" 

Dinala siya ni Yohan sa harapan ng glassdoor ng Restaurant at pagbukas ni Yohan ng door ay bumungad kay Gail ang lahat ng company  employees at lahat ay mukhang nag-aabang sa kanila.

"Good morning, Mam." Sabay-sabay na bati nilang lahat kay Gail including her co-waitresses.

"Mam?" Takang turo ni Gail sa sarili niya. Hindi niya maintindihan ang mga kaganapan at puzzled pa din.

"Salamat sa lahat ng pumunta ngayong araw na'to. nais kong ipaalam sa inyong lahat na siya ang magiging bagong manager niyo. Ang girl kong si Yllana Gail Yuvinco."

"Ako? Teka ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gail. Nagpalakpakan ang lahat at approved sila na si Gail ang bagong manager nila. Habang si Gail ay napapakamot na habang pilit-ngiting nag-bow sa lahat.

Matapos ang entance inroduction ng bagong manager na si Gail ay dinala siya ni Yohan sa office niya.

Tahimik na naupo si Gail sa sofa at kunot-noong tinitigan si Yohan. Yohan sighed.

"I'm so sorry Gail kung binigla kita pero, totoo yung nangyari kanina." Panimula ni Yohan.

"Bakit ba palagi mo na lang akong binibigla sa mga ginagawa mong desisyon?" Tanong ni Gail na hanggang ngayon ay hindi pa maka-move on sa nangyari.

"Naisip ko kasi na ang pangit tingnan kung may girlfriend akong waitress." Sagot ni Yohan kaya lalong kumunot ang noo ni Gail.

"So, hindi mo pala isisikreto na gf mo ako sa lahat? Plano mo na ba 'to simula pa lang nung una?" Gulat na tanong ni Gail.

"Gail, hindi mo ba binasa yung agreement?Nnakasulat dun na magiging manager ka ng resort at makakatanggap ka ng sahod na 50 thousand." Sagot ni Yohan.

"Oo nga p-pe-pero Yohan ang hirap ng trabahong binigay mo sakin. Hindi ko alam kung saan at paano ang gagawin as a manager." Sagot naman ng nagwo-worried na Gail.

"Wag kang mag-alala, nandito nama ako sa tabi mo eh. Tutulungan naman kita. Sa ngayon kasi, yun ang nakikita kong bagay na trabaho sa'yo." Yohan said.

"Okay fine. Tinatanggap ko na, pero may request ako sayo." Sagot ni Gail .

"Hindi ka talaga maubusan ng request no? Okay fine, what is it?"

"I have 1 rule. in our relationship, I mean in our fake relationship. Bawal kang magkagusto sakin. In other words, bawal kang main-love sakin. Kumbaga, trabaho lang at walang personalan." Gail seriously said.

Hindi napigilan ni Yohan ang matawa sa sinabi ni Gail kaya naman lumapit siya ng dahan-dahan kay Gail at ipinatong ang dalawang kamay niya sa hawakan ng sofa. Sa sobrang lapit niya kay Gail ay napasandal si Gail sa sandalan at hindi siya makatitig sa mga mapang-asar na tingin at ngiti ni Yohan.

"Pinagisipan mo bang mabuti ang request mo? Kahit hindi mo sabihin ay hindi mangyayari yun." Yohan said.

Pinandilatan ni Gail si Yohan at tinulak. "Excuse me lang ah, mangyari man o hindi sumunod ka na lang. Saka, baka mamaya niyan kainin mo ang sinabi mo." Sarcastic na sagot niya.

"Well it's impossible for me to fell in love with you, but for you it's possible."

"What do you mean?"

"Posibleng magkagusto ka sakin, o baka nga meron na eh ayaw mo lang umamin." May tono ng pang-aasar ni Yohan kay Gail.

"Ha? Ako? FYI I can't imagine myself na magkagusto sayo no, saka pwede ba? Lagyan mo naman ng kahit anong bagay yang utak mo kasi puro kahanginan na lang ang alam mo eh. Asa ka naman na may gusto ako sayo well, libre naman mangarap. Sabagay, sige pagbibigyan kita." Gail said.

Tumawa lang si Yohan sa kanya.

"At anong nakakatawa?"  Tanong ni Gail.

"Naisip ko lang na kahit ano pang sabihin mo, you still need to follow me. Remember the agreement, right?" Sagot niya.

"Lagot na. Meron siyang alas laban sakin! Kainis! Oo naman, hindi ko nakakalimutan, and sana ganun ka din sakin." Gail said.

"Of course, di ako makakalimot sa usapan. But now, you are officially my fake girlfriend."

"I understand, and you don't need to remind me." Sagot naman ni Gail.

Yun lang at matapos ang usapan nila ay lumabas na din si Gail.

~

REVISED!


Always is Enough [Editing & Revising]Where stories live. Discover now