Chapter 8 "Deal or No Deal?" (Revised)

6.8K 46 4
  • Dedicated kay Angelo Ranches
                                    

~

Matagal na nakaupo si Gail sa takip ng kubeta sa loob ng C.R. Hindi naman siya naiihi o natatae sadyang wala lang siyang makitang lugar na pwede niyang tambayan para makapg-isip-isip siya sa kung ano nga ba ang desisyon niya sa inaalok sa kanya ni Yohan.

"Ano ng gagawin ko? Pag di ko tinanggap ang hinihingi niyang kasunduan sakin ay si Milee naman ang mahihirapan. Pano na to? Ayoko talaga ayoko! Pero si Milee, sa pagkakataong to ay kailangan niya ng tulong ko. Magisip ka ng mabuti Gail si Milee o sarili mo?" Yun ang patuloy na tumatakbo sa isipan niya. Nahihirapan siyang magdesisyon nang dahil na din sa kabang nararamdaman niya. "Geez, ang hirap naman nito. Can somebody help me?" Bigla niyang sabi sa sarili niya saka niya hinawakan ang noo niya.

Nagulat na lang bigla si Gail ng may biglang kumatok sa kanya. "Miss? Ayos ka lang ba diyan? May kailangan po ba kayo? Ano po bang nangyayari diyan sa loob?" Sunod-sunod na tanong sa kanya ng janitress. Agad siyang napatayo at dahan-dahang binuksan ang pintuan ng kubeta.

"Ah wala naman. Pasensya na. Sige po." Sabi ni Gail sa janitress at nahihiyang lumabas. Pagkalabas niya ay naupo naman siya sa upuan sa may hallway.

"Kaibigan ko si Milee at kailangan niya ng tulong ngayon pero, bakit sa ganito pang sitwasyon? Hayss." Sabi ni Gail sa sarili niya saka siya yumuko. 

"Ayoko na hindi ko na alam ang gagawin ko magpapanggap na girlfriend? Pano kung hindi lang sa pagiging girlfriend ang mangyayari samin? Yun ang kinatatakot ko." Halos pabulong na sabi ni Gail sa sarili niya.

Hindi napansin ni Gail na nandun na pala si Milee nakatayo sa gilid niya at takang-taka itong nakatingin kay Gail.

"Gail? Bakit nandyan ka?" Tanong ni Milee, gulat naman na napatingin si Gail kay Milee kaya naman agad siyang tumayo at nag-isip ng idadahilan.

"Oh, M-milee? Ikaw pala yan. Kanina ka pa ba diyan?" Tanong naman ni Gail. Pinipilit niyang itago ang kaba niya kay Milee dahil hindi niya inaasahan na makikita niya ang kaibigan na nakatayo sa gilid niya.

Always is Enough [Editing & Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon