Nang makarating na sila sa Resort ay tahimik lang na bumaba ng sasakyan si Gail. Bumaba din si Yohan saka binaba ang mga pinamili nila.
"Gail? Agahan mong gumising bukas ah." Biglang sabi ni Yohan kaya naman napatigil sa paglakad si Gail saka niya nilingon si Yohan.
"Oo. Aagahan ko bukas. Pero, pangako mo muna sakin na walang Paparazzi bukas ah? Wag mo akong papabayaan bukas kung sakaling meron man. Takot ako sa mga Paparazzi." Sagot naman ni Gail. Napaisip naman si Yohan saka bumuntong hininga at sumagot kay Gail.
"Uhmm. Sure ako, wala naman sigurong Paparazzi bukas sa party ni mama." Sagot ni Yohan na parang kahit siya ay hindi sure sa sagot niya. Napataas ng isang kilay si Gail saka tumitig kay Yohan.
"Sure ka? Tapos may siguro? Ang gulo mo." Inis na sagot sa kanya ni Gail saka siya inirapan at tinalikuran.
Lumakad na ito paalis. "Matutulog na ako. Good night."
"Sige na nga, matulog ka na para bukas maganda ka." Sagot ni Yohan kaya naman napatigil sa paghakbang si Gail.
Nakita niya ang nakakalokong ngiti ni Yohan pero ginantihan niya lang yun ng masamang tingin.
"Matagal na akong maganda. Diyan ka na nga." Inis na sagot sa kanya ni Gail.
"Teka sandali lang! Yung mga gamit mo hindi mo dadalhin?" Putol ulit ni Yohan. Kunot-noo naman siyang nilingon ni Gail.
"Mga gamit ko?" Tanong ni Gail na para bang gusto niyang klaruhin lahat.
"Oo, yung mga pinamili ko. Ano wala ka bang balak dalhin ang mga ito sa kwarto mo?" Sagot naman sa kanya ni Yohan.
"Ikaw na ang magdala. Ikaw naman ang bumili niyan eh." Seryosong sagot sa kanya ni Gail saka na ito tuluyang umalis. Naiwan naman si Yohan na hindi malaman ang gagawin kung maiinis ba siya o hindi na lang papansinin ang ginawa sa kanya ni Gail.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Always is Enough [Editing & Revising]
Любовные романы[Old Title: Falling In Love With You] A Playboy Business Man name Kiel Yohan Lee meets a Simple Waitress Lady name Ellana Gail Yuvinco. Kung saan magkakasundo na magpanggap na mag ka relasyon sa birthday party ng mama ni Yohan, but it is an accident...