Chapter 9.2 (Revised)

6.5K 37 3
                                    

~

Kinabukasan ay nagising ng maaga si Gail at siya ang nag-asikaso ng breakfast nila ngayon ni Yohan. Sakto naman na kakababa lang ni Yohan ng hagdan at nakita niya si Gail na nagaasikaso ng breakfast nila.

"Good morning, aga mong nagsing ah." Ngiting bati ni Yohan kay Gail.

"Maaga na talaga, ayoko kasing maulit yung nangyari kahapon." Medyo ilang na sagot ni Gail.

"Nadala ka na ah." May pang-aasar sa tono ng pananalita ni Yohan.

"Tss. Mapang-asar ka talaga." Di mapigilan ni Gail ang maasar kay Yohan.

"Pinapatawa ka lang, ito naman masyadong seryoso eh. Kain na lang tayo." Sagot na lang ni Yohan.

"Ah may tanong pala ako sayo. Bakit nga pala ikaw lagi ang nagluluto ng breakfast mo? Wala ka bang katulong?" Tanong ni Gail. Simula kasi ng dumating siya sa resort ay napansin na niyang walang ibang tao sa bahay ni Yohan kundi siya lang.

"Ayoko kasing kumuha ng katulong dahil mas gusto kong ako ang nagaasikaso sa sarili ko." Sagot naamn ni Yohan, nag-nod naman si Gail saka na ito umupo sa harapan niya at sinamahan na siyang kumain.

Napangiti siya at may naisip na naman na pang-asar kay Gail.

"Pero, kung gusto mo ikaw na din ang mag-asikaso sakin?" Ngiting tanong niya kay Gail.

Nailang ulit si Gail pero pinilit niya ang sarili na maging plain lang sa kahit anong pang-aasar ni Yohan sa kanya. "Baka nakakalimutan niyo po na, waitress po ako dito. Hindi maid."

Hindi napigilan ni Yohan ang matawa sa sinagot ni Gail at sa reaksyon ng mukha nito.

"Miss Gail, alam ko po yun. Tinatanong lang naman kita eh." Nakakalokong-tingin ang ibinigay ni Yohan kay Gail kaya halos mayupi na yung kutsara na hawak ni Gail sa sobrang pagkainis niya kay Yohan.

Always is Enough [Editing & Revising]Where stories live. Discover now