Chapter 4.2 "I want you to know that i want to know you better." (Revised)

7.6K 68 3
  • Dedicated to Rhina Crucillo
                                    

~

"Kaya ko kayo pinapunta dito dahil sasabihin ko sa inyo ang lahat ng rules and regulations including the instructions dito at kung kelan kayo magsisimula." Paliwanag ni Yohan nung nakaupo na sina Gail at Milee.

"Ahh, sir Yiohan? Pwede po bang malaman kung nasan po si Mr Yuh?" Singit na tanong bigla ni Milee.

"Ah, medyo kakaalis lang niya." Sagot naman ni Yohan sa kanila.

"Po? Bakit di man lang siya nagpaalam sa amin?" Tanong naman ni Gail.

"Paano kasi, ayaw niya daw malungkot at baka maiyak pa siya kaya umalis na siya. Saka, alam niyo na naman daw na aalis na siya kaya hindi na siya nagpaalam." Mahabang paliwanag sa kanila ni Yohan.

Mayamaya pa ay biglang natahimik ang paligid nila. Walang nagsalita kahit sino man sa kanila.

"Baka may gusto muna kayong itanong? Sige lang, sasagutin ko." Pagbasag ni Yohan sa katahimikan.

"Ah, meron po akong tanong. Ano po bang magiging trabaho namin dito?" Tanong ni Milee.

"Meron po bang Restaurant dito?" Singit na tanong naman ni Gail.

"Wag kayong mag alala kung anong trabaho niyo kay uncle? Yun lang din ang trabaho niyo dito, tsaka wag na kayo magtawag ng sir sakin feeling ko kasi ang tanda ko sa paningin niyo." Ngiting sagot naman sa kanila ni Yohan.

"Pero, kayo po ang bagong boss namin kaya po dapat na sir po ang itatawag namin sa inyo." Sagot naman ni Gail. Sumang-ayon si Milee pero ngumiti lang sa kanya si Yohan.

"Pero hindi pa naman nagsisimula ang trabaho niyo diba? Kaya naisip ko na ano kaya kung, maging friends muna tayo?" Sagot naman ni Yohan.

Nagkatinginan naman sina Gail at Milee na para bang nag-uusap. Nakangiting lumingon si Milee kay Yohan.

"Ahm, kung yan naman po ang gusto niyo? Sige po! Agree po kaming dalawa ni Gail." Sagot naman ni Milee.

"Milee? Ano ka ba?" Biglang singit naman ni Gail.

"Bakit? Ano ka ba naman Gail? Ni-request yun ng boss natin kaya sige na, pumayag ka na." Hikayat sa kanya ni Milee.

"Ahm.. Nakakailang kasi eh." Sagot ni Gail.

"Alam ko na hindi pa kayo sanay ngayon pero, sa tingin ko kasi ay kailangan nating magkakilanlan pa para wala ng ilangan sa trabaho." Sagot ni Yohan.

"Ah, ayos na ayos po sakin- i mean samin yung naisip niyo." Ngiting sagot ni Milee.

"Tss. Pahamak talaga itong babaeng 'to." Sa isip ni Gail.

"Ah bago ko nga pala makalimutan. Since dito na kayo magtatrabaho ay kailangan niyong makabisado ang buong lugar dito sa resort, para kung magsisimula na kayo ng trabaho niyo ay hindi na kayo maiinosente sa lugar." Dagdag ni Yohan.

"Wow! Pwede na po bang ngayon na kami maglibot?" Tanong ni Milee.

"Bukas na lang Milee, ano ka ba naman? Mag-gagabi na kaya." Pigil naman sa kanya ni Gail.

"Gail naman eh." Reklamo ni Milee.

Umirap lang sa kanya si Gail. "Sige po, babalik na po kami sa kwarto namin."

Tumayo na si Gail dahil sobra siyang nakakaramdam ng pagkailang at sa tingin niya ay hindi na niya kakayanin pa kung makikipag-usap pa siya kay Yohan. Palagi kasi itong nakangiti sa kanya.

Walang lingon na naglakad lang palabas ng pinto sina Gail at Milee hanggang sa..

Nagsalita si Yohan na biglang nagpatigil kay Gail at hindi lang iyon. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya na ngayon niya lang naramdaman.

"I want you to know, that i want to know you better. Miss Ellana Gail Yuvinco."

Nang dahil sa sinabi ni Yohan ay naglakad ng mabilis paalis si Gail. Sumunod naman sa kanya si Milee. 

Naiwan naman sa loob si Yohan na nakangiti habang umiiling.

"Did he just said that?" Di makapaniwalang tanong ni Gail sa sarili niya.

~

REVISED & EDITED!

Always is Enough [Editing & Revising]Where stories live. Discover now