Chapter 10 "In Love?" (Revised)

6.5K 42 3
                                    

~

Nakarating sila sa mall ng saktong mga 6pm. Nang nakapag-park na sila ng sasakyan ay sandaling pinigilan ni Gail si Yohan.

"Sandali lang, baka naman may media diyan sa loob? Baka mamaya pag may nakakita satin eh pagkaguluhan ka." Kabadong sabi ni Gail kay Yohan.

"Gail, hindi ako actor business man po ako. Kung may nakakakilala sakin sa loob hindi naman lahat na as in pagkakaguluhan ako." Paliwanag naman si Yohan.

"Sigurado ka ah. Pag tayo dinumog ng mga tao siyan? Iiwanan talaga kita." Paninigurado naman ni Gail.

Napangiti naman si Yohan sa naging sagot ni Gail.

"Ikaw talaga, kung anu-anong pinagiisip mo. Bumaba ka na nga." Utos sa kanya ni Yohan saka na din ito bumaba sa sasakyan niya. Umirap lang sa kanya si Gail saka na din siya bumaba.

Hindi siya pinagbuksan ni Yohan ng sasakyan kaya naman nadagdagan lang ang inis ni Gail kay Yohan. Padabog niyang isinara ang sasakyan ni Yohan.

"Di man lang gentleman? Kaasar siya." Sa isip ni Gail.

Napansin naman ni Yohan ang pagkainis sa kanya ni Gail. Napangiti na lang siya.

"Ayos, mukhang nagiging close na kami ah. hahaha." Sa isip naman ni Yohan. "Sungit!"

Pero hindi siya pinansin ni Gail. Pagkapasok nila sa loob ng mall.

"Wow, ngayon na lang ako ulit nakapunta ng mall. Medyo andaming nagbago." Sabi ni Gail saka siya tinabihan ni Yohan

"Tara, mamimili pa tayo ng mga kakailanganin mo." Utos ni Yohan kaya sumunod na lang siya dito.

Always is Enough [Editing & Revising]Where stories live. Discover now