Chapter 4 "Love At First Sight" (Revised)

8K 72 2
  • Dedicated to Merry Dhan Valdez
                                    

~

Nang makarating na sina Gail at Milee sa kwarto nila ay agad na pumunta sa Terrace ng bagong kwarto nila si Milee at humarap kay Gail na noon ay nagliligpit na ng mga gamit nila.

"Grabe! Ang gwapo niya di ko akalaing ganun kalakas ang dating niya! Sa tingin mo Gail? May girlfriend na kaya siya? Ay! Bakit ko ba iniisip yun? Chickboy nga siya diba eh di ibig sabihin marami na siyang naging girlfriend." Sabi ni Milee habang masayang kinakausap si Gail na noon ay para ng wala sa wisyo kausapin.

Napansin ni Milee na hindi sumasagot si Gail. Patuloy lang 'to sa pag-aasikaso ng mga gamit nila.

"Gail? Gail? Hey!"

"Ah! Ha? B-Bakit?" Tanong ni Gail na para bang ngayon niya lang narinig si Milee. Napa-rolled ayes tuloy si Milee.

"Seriously? Anong nangyayari sayo? Kanina ka pa kayang walang imik diyan." Sagot sa kanya ni Milee sabay crossed arms.

"Pa-pasensya na. ano nga ulit yung sinasabi mo?"

"So? Uulitin ko na naman? Ibig sabihin kanina pa ako salita ng salita dito eh hindi ka naman pala nakikinig? Ano bang iniisip mo?" Then, lumapit si Milee kay Gail na nakaupo sa kama. 

"Wala naman. Iniisip ko lang yung pamilya ko, lalo atang napalayo yung trabaho ko eh tsaka..." Pagputol ni Gail sa sasabihin niya na para bang hindi siya sure kung sasabihin ba niya o hindi.

"Tsaka? Ano?"

"Ah ki-naka-bahan ako. Ewan ko pero halos nag echo yung kabog nung dibdib ko sa buong katawan ko nung..." At mukhang na-gets na ni Milee ang point ni Gail.

Biglang namula ang mga pisngi ni Gail nung nakita niya na naka-evil smile na sa kanya ang kaibigan na ang ibig sabihin ay na-gets na nito ang ibig niyang sabihin.

"Uy! Ang Bestfriend ko in love na!" Then, tumawa si Milee. 

"A-ano bang pinagsasabi mo diyan? Hindi naman yun yun eh!" Maktol ni Gail na para bang ayaw niyang isipin ang bagay na mukhang malapit sa mga nararamdaman niya ngayon.

"That's normal Best! Love at first sight ang tawag diyan."

"Anong love at first sight? Oo nga at gwapo siya eh ano? Nakakahanga lang siya pero hindi ko siya love! Ayusin mo nga yang pag-iisip mo." Inis na sabi ni Gail. Ayaw niyang aminin ito sa sarili niya at pipilitin niyang hindi ito mangyari.

Always is Enough [Editing & Revising]Where stories live. Discover now