Chapter 5.2 "A Piece of Information." (Revised)

7.3K 52 6
                                    

Kinabukasan ay naunang nagising si Gail kay Milee. Nakita niya ang kaibigan na mahimbing na natutulog sa kabilang kama.

Pagkatapos niyang maghilamos ay lumabas na siya ng kwarto at excited na pumunta sa tabing-dagat para panuorin ang sunrise. Isa yun sa pinakagusto niyang gawin at ngayon lang ulit nangyari yun. Sa paglalakad niya ay hindi niya inaasahan ang maaabutan niya doon.

Nakita niya si Yohan na nakatalikod habang merong kinakausap sa phone.

Kaya naman agad siyang nagtago sa may isang puno. Dahil sa medyo malapit ang pinagtataguan niya sa kinatatayuan ni Yohan ay rinig niya ang mga sinasabi nito.

"Ma? How many times do i need to tell you na ayoko na nga sa kanya. Bakit ba kasi pinagpipilitan niyo pa na magkabalikan kami? Diba sinabi ko na naman sa inyo na wala na siyang babalikan?" Sagot naman ni Yohan.

"Ma? Wala ng babalikan? Ano raw?" Hindi maiwasan ni Gail na magtaka sa mga narinig niya.

Samantalang sa kabilang linya ang kausap ni Yohan ay si Mrs. Lee.

"Yohan naman anak, patawarin mo na siya. Bakit ka ba ganyan sa kanya? Hindi mo na ba talaga siya mahal?" Sagot naman ni Mrs. Lee sa kabilang linya.

Hindi naman ito naririnig ni Gail. Tanging ang mga sinasabi lang ni Yohan ang naririnig niya.

"Ma naman? Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa inyo na wala ng pag-asa ang lahat. Ayoko na. Saka, bakit ba gutong-gusto niyo na magkabalikan kami? Gusto niyo bang masaktan ako ulit?" Medyo may diin na sa mga sinasabi ni Yohan kaya naman ng marinig ni Gail yun ay napatakip siya sa bibig niya.

"Anak, sobra na siyang nagsisisi sa mga nangyari. Di ka ba nanghihinayang sa relasyon niyo? Sayang naman ang lahat ng pinagsamahan niyo anak, Yohan." Sagot naman ni Mrs. Lee.

"Masakit ang ginawa niya mama dahil sa buong buhay ko, minahal ko siya ng sobra pero hindi ko akalain na gagawin niya ang bagay na masasaktan ako. Kaya pakisabi sa kanya, tumigil na siya." Inis na sagot ni Yohan. 

Sa sobrang pagkainis ni Yohan ay ibababa na sana niya ang phone niya ang kaso ay pinigilan yun ni Mrs. Lee.

"Sige, kung ayaw mo talagang magkabalikan kayo? Bring your new girlfriend in my birthday party this coming sunday." Biglang sabi ni Mrs. Lee na ikinagulat ni Yohan.

"What? Are you seriuos?" Tanong ulit ni Yohan na para bang ayaw niyang maniwala sa narinig niya. 

"Narinig mo ang sinabi ko diba? And i'm serious." Then, saka na ibinaba ni Mrs. Lee ang tawag.

Halos maihagis naman ni Yohan ang phone niya sa sobrang pagkaasar sa hinihiling ng mama niya. Gusto talaga nitong makita na meron na siyang ibang mahal bago siya nito tigilan.

"Kaasar! New girlfriend? Saan naman ako kukuha nun? I mean sino kayang pwedeng magpanggap muna kahit sa party lang niya." Biglang sumagi sa isip ni Yohan ang plano na iyon.

Sumilip ng bahagya si Gail at nakita niya si Yohan na lumakalakad na paalis. Napaisip din siya sa mga narinig niya.

Lalabas na sana si Gail sa pinagtataguan niya ng biglang merong tumawag sa pangalan niya.

Pigil-hiningang tumingin si Gail sa taong tumawag sa kanya.

~

REVISED & REVISED!

Always is Enough [Editing & Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon