Chapter 3.2 (Revised)

8.4K 62 9
                                    

~

"So, bago tayo magsimula ay ipapaliwanag ko lang ang magiging trabaho niyo rito. Since, alam ko na sanay kayo sa Restaurant eh doon ko kayo ina-assign." Nakangiting nagpapaliwanag si Yohan ng biglang napabuntong-hininga si Gail. Napatingin silang lahat kay Gail. Hindi tuloy malaman ni Gail ang sasabihin niya.

"Ah miss Gail? May problema po ba?" Tanong ni Yohan kay Gail. Nauutal-utal naman si Gail kaya sumingit na si Milee.

"Pasensya na po kayo sir kay Gail. Medyo kinakabahan lang po kasi siya kaya ayun po, humgot po ng lakas loob." Paliwanag ni Milee. Saka ito tumingin kay Gail at tinitigan ito ng mata sa mata na para bang inuutusan niya si Gail na sumang-ayon na lang.

"Ah. O-opo kinakabahan lang po ako kasi first time ko lang po na magtatrabaho sa isang Resort eh. Pasensya na po." Sagot naman ni Gail.

"Ah, wala ka dapat ikabahala. Magiging masaya din ang pagtatrabaho niyo rito." Ngiting sagot naman ni Yohan.

Napaiwas ulit si Gail ng tingin. Hinayaan na lang ito ni Yohan at nagpatuloy sa pagpapaliwanag.

.

Habang nagpapaliwanag si Yohan ay tumingin na sa kanya si Gail. At sa pagkakataon na iyon ay hindi na ito umiwas ng tingin pero napatitig siya kay Yohan. Napansin naman ni Yohan yun kaya sandali ay nanahimik siya.

"So sa ngayon ay ayan na muna ang masasabi ko. Ah, by the way uncle, may pag-uusapan po tayo diba?" Biglang lingon ni Yohan kay Mr. Yuh na noo'y nakaupo lang sa sofa.

"Ay oo nga pala. Teka, saan ba tayo mag-uusap?"

Naputol ang sasabihin ni Yohan dahil mayrong biglang pumasok sa pintuan at bumungad sa kanila ang secretary ni Yohan.

"Sir, may na received po akong message galing JMCA COMPANY. Kailan daw po magsisimula yung meeting?" Tanong nito

"Ah, mamaya ko na yan iintindihin Cathy. Pwede mo bang ihatid sa employee rooms itong sina miss Gail at miss Milee?" Utos nito sa kanyang secretary.

"Wow, excited na ako sa kwarto natin!" Bulong ni Milee kay Gail habang si Gail naman ay napakamot sa batok niya.

"Sige po sir." Sumunod naman sina Gail at Milee sa secretary ni Yohan pero hindi naiwasan ni Gail ang mapalingon kay Yohan. Hindi niya inakala na nakatingin din sa kanya si Yohan kaya sa bigla niya ay umiwas agad siya ng tingin. Napatawa naman ng lihim si Yohan sa naging reaksyon ni Gail.

Always is Enough [Editing & Revising]Kde žijí příběhy. Začni objevovat