Chapter 6 (Revised)

7.3K 53 6
                                    

~

Dahan-dahan na lumingon si Gail sa likuran niya at mula sa hagdang bato sa unahan ay nakita niya na nakatayo doon si Milee at takang-taka ang expression ng mukha nito.

"Gail? Anong ginagawa mo diyan?" Biglang tanong nito kay Gail. Dumiretso naman si Gail ng tayo at muli ay tiningnan ang pwesto kanina ni Yohan pero wala na siya doon.

"Hay, akala ko naman kung sino na." Sagot ni Gail kaya naman nakahinga na din siya ng maluwag.

Lumapit siya sa kinatatayuan ni Milee.

"Ano bang ginagawa mo doon kanina? May tinataguan ka ba?" Tanong ni Milee.

"Ah wala naman akong tinataguan." Sagot ni Gail. "Buti naman at nagising ka na." Pag-iiba naman ni Gail kaya naman nakalimutan na din ni Milee yung nakita niyang pagtatago ni Gail.

"Napasarap kasi ang tulog ko eh. Ang lambot ng kama at ang lamig pa." Sagot naman ni Milee habang naguunat-unat pa.

"Oo nga eh, napasarap din ako kaso naisipan ko na manood ng sunrise kaya nauna din akong nagising." May tono ng pang-aasar na sabi ni Gail saka siya nagsimulang maglakad sa unahan.

Nakuha naman ni Milee ang ibig sabihin ni Gail kaya biglang napabusangot ang mukha niya.

"Bakit di mo man lang ako ginising? Ang daya mo naman eh!" Sagot ni Milee saka siya sumunod kay Gail.

"Kasalanan ko ba na tulog mantika ka? Sayang ang ganda pa naman kanina ng sunrise." Pang-aasar ulit ni Gail.

"Tss. Sige, manginggit ka pa. Sana kasi ginising mo man lang ako." Pairap na sagot ni Milee kaya natawa ng bahagya si Gail.

"Hahaha. Wag na, sarap pa ng tulog mo eh, tulo-laway ka pa. Siguro, next time na lang natin panuorin ang sunrise." Sagot naman ni Gail.

"Talagang next time ay maaga na akong magigising at uunahan din kita." Parang-batang sagot naman ni Milee kaya naman nagkatawanan din sila.

Mayamaya pa ay pumasok sila sa isang bahay. Ang sabi sa kanila ni Yohan ay pwede silang pumasok doon dahil yun ang bahay niya. Kaya naman, dire-diretso din silang pumasok sa kusina dahil sabi din ni Yohan na doon din sila dapat laging kumain ng almusal, tanghalian, at hapunan.

Always is Enough [Editing & Revising]Where stories live. Discover now