Chapter 7.2 "For the Sake of my Best Friend." (Revised)

6.8K 47 0
  • Dedicated to Georgette Floranza
                                    

~

Kinabukasan, tanghali nakarating ang boyfriend ni Milee na si Terrence. Pumunta ito agad at sobrang pag-aalala ng mapag-alaman nasa ospital ang papa ni Milee kaya nag-live muna ito sa trabaho.

"Milee?" Tawag agad ni Terrence ng mapuntahan niya ang kwarto ng papa ni Milee at nakita niya sa loob sina Milee, Gail at Emon.

Nang makita naman siya ni Milee ay agad niyang niyakap si Terrence. Sabik din na niyakap ni Terrence si Milee, halos mag-iisang buwan na kasi silang hindi nagkikita dahil sa pareho silang may trabaho. 

"Milee, sobra akong nag-alala sayo. Pinuntahan kita nung isang araw sa pinagtatrabahuhan mong Restaurant pero wala ka na dun." Sabi agad ni Terrence habang kayakap si Milee. Humigpit naman ang yakap ni Milee at parang sandali lang ay tutulo na naman ang luha niya.

"I'm sorry, hindi agad ako nakatawag sayo. I'm sorry." Sagot naman ni Milee.

"Tumawag sakin si Emon at sinabi niya ang nagyari sa papa mo. Ayos ka na ba?" Pag-aalalang tanong ni Terrence saka niya hinawakan sa magkabilang pisngi ang kasintahan.

"Oo, ayos na ako. Wag ka ng mag-alala." Sagot naman ni Milee saka tipid na ngumiti. Ngumiti na lang din si Terrence saka niyakap ulit si Milee.

"Ah, Milee. Labas muna ako saglit." Biglang paalam ni Gail.

"Saan ka pupunta?" Tanong naman ni Milee.

"Ah tatawag lang ako sa pamilya ko, nag-text kasi kanina si mama eh." Sagot naman ni Gail.

Ngumiti si Milee sa kaibigan. "Sige, balik ka kaagad ah?" Nag-nod lang si Gail kay Milee saka na siya lumabas.

Pagkalabas ni Gail ay saktong nakasalubong niya si Yohan at mukha itong papunta sa kwartong pinanggalingan niya. Nagulat siya kay Yohan dahil mukha itong nagmamadali.

"Gail? Nandyan ba si Milee sa loob?" Tanong agad sa kanya ni Yohan.

Always is Enough [Editing & Revising]Where stories live. Discover now