Chapter 12.2 "Waitress" (Revised)

6.2K 35 2
                                    

12:30 P.M at Paradise's Restaurant

Nakabihis na at nakahanda na si Gail sa pagtatrabaho bilang waitress kasama ang bagong kakilala na katrabaho niya na sina Nathalie at Annette. At dahil kakabukas lang ng Restaurant ay sadyang kokonti pa lang ang mga customers nila. Kaya naman matapos maghugas ni Gail ng mga plato at baso ay nagkaroon siya ng time na makausap ang mga katrbaho niya.

Kinausap din siya ng dalawa dahil kakatapos lang din nilang ayusin ang mga mesa at upuan.

"Hi, ikaw si Gail diba?" Bati ni Annette kay Gail kaya naman agad siyang napatingin dito at ngumiti. Bigla na lamang kasi itong sumingit sa likod niya habang nagpupunas siya ng mga baso at tasa.

"Ah yeah ako nga yun."

"Hello, My name is Annette Torres. Matagal ka na ba dito o bago lang din?" Tanong agad nito kay Gail, muntik na siyang mapa-oo ng bigla niyang maalala na may ginawa pa nga pala siyang ibang trabaho bukod sa pagiging waitress.

"Ah hindi naman, bago lang din ako since, diba nga? Balita ko eh, kakabukas lang ng Resort na'to." Sagot naman niya kaya napakamot naman si Annette sa ulo.

"Ay oo nga pala ano? Pasensya ka na ah, nakalimutan ko, first time ko lang kasi 'to eh kasi actually, dapat mag aaral ako ngayon sa college kaso wala akong pera kaya ayun, magtatrabaho na muna ako para makaipon." Sagot naman sa kanya ni Annette.

"Ah kaya pala. ako naman eh, hindi ako naka-graduate kasi financial problem din pero this is my first time to work on a resort. Nasanay kasi akong magtrabaho sa maliit na Restaurant lang kaya naninibago pa ako." Sagot naman ni Gail.

"Ah kaya pala, anyways, Gail? Matanong lang ano, nakita mo na ba yung boss natin?" Tanong sa kanya ni Annette at nakangiti pa ito. Kaya naman sandali ay napaisip siya sa kung anong isasagot niya.

"Sasabihin ko ba? Pero baka naman iba ang isipin niya?" Yun ang tumatakbo sa isip ni Gail.

Magsasalita na sana si Gail nang bigla namang pumasok ang isang babae na may dala dalang tray at may laman na mga plato at baso.

"Hay, salamat at lunch time na din, makakapag-pahinga na din ako." Sabi ni Nathalie habang nilalapag sa lababo ang tray na hawak niya.

"Hey Nathalie! Si Gail nga pala, katrabaho din natin dito." Tawag sa kanya ni Annette. Lumingon naman siya at nakangiting lumapit sa direksyon nila.

"Hi, its nice meeting you, Nathalie Mae Sanchez is my name." Pagpapakilala agad ni Nathalie kay Gail habang inilalahad nito ang kaliwang kamay. Iniabot naman 'yon ni Gail at nakangiting nakipagkilala din. " Ellana Gail Yuvinco naman ang pangalan ko, its nice meeting you too."

"Ano ba yan? Masyado namang pormal ang pagpapakilala niyo sa isa't-isa." Singit bigla ni Annette dahilan para magkatawanan sina Gail at Nathalie. "Anyways, since we know each other na naman, sabay-sabay na tayong magsipag-lunch. Tara, may alam ako kung saan tayo pwedeng kumain." Yaya naman ni Nathalie. Mayamaya pa nga ay umalis na sila at lumabas sa Paradise Resort.

Pumunta sila sa may isang Park kung saan ay meron flat surface at pwedeng mag-piknik. May mga kubo sa paligid at meron din fountain sa gitna ng park at napakalawak nitong tingnan. Napapalibutan din ito ng mga poste at park chairs.

"Wow, this place is really beautiful and peaceful. Hindi ko akalaing merong ganitong lugar malapit sa Paradise Resort. Mukhang meron na tayong mapagtatambayan guys, what do you think?" Biglang tanong sa kanila ni Annette. Tumango lang si Gail at nagsimula namang humakbang papuntang isa sa mga kubo si Nathalie. "Exactly." Sagot nito kay Annette nang makarating sila sa kubo.

Mayamaya pa ay nagsimula ng ilabas nina Annette at Natahlie ang mga baon nilang lunch box nang matigilan sila. Napansin nila na nakaupo lang si Gail at tahimik na nakatingin sa kanila.

Always is Enough [Editing & Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon