Chapter 13.2 "Kundisyon." (Revised)

6.1K 36 3
                                    


Kinabukasan, minulat ni Gail ang mga mata niya at nilibot ang mga mata sa paligid. Naupo siya at inalala ang lahat.

"Oo nga pala, nasa kwarto ako ni Yohan. Nasan kaya siya?"

Tumayo na si Gail at tumingin sa wall clock. Naalala niya na may trabaho pa siyang gagawin kaya naman lumabas na siya.

Habang bumababa ng hagdan ay naisipan niyang pumunta ng kusina sa pagaakalang nandun si Yohan.

Pero wala siyang naabutang Yohan dun. Kinapa niya ang kayang noo at bahagyang nangiti.

"Wala na akong lagnat. Siguro binantayan niya ako magdamag? Kailangan kong magpasalamat sa kanya. Nasa'n nga ba siya?"

Agad na naglakad palabas ng mansyon si Gail at naisipan niyang pumunta sa tabing-dagat kung saan ay paboritong tambayan at punatahn ni Yohan. At hindi nga siya nagkamali. Lalapit na sana siya nang mapansin niyang may kausap sa phone si Yohan kaya naman nagtago muna siya sa halamanan.

"Sino kayang kausap niya?" Curious na tanong ni Gail sa kanyang isipan.

"Bahala ka na kung anong gusto mong gawin basta ako tapos na." Sagot ni Yohan na narinig ni Gail.

Yun lang at galit na binaba ni Yohan ang phone niya. Saka naman naisipan ni Gail ang lumabas sa pinagtataguan niya at hinarap si Yohan. Gulat na napaharap si Yohan kay Gail.

"Mama mo ba ang kausap mo?" Tanong ni Gail.

"K-Kanina ka pa ba diyan?" Kabadong tanong ni Yohan.

"Hindi naman, kakarating ko lang at mukhang may kaaway ka sa phone mo." Malumanay na sagot ni Gail.

"Wag mo nang intindihin yun. Nga pala, bakit bumangon ka na kaagad? Mabaling ka na ba?" Pag-iiba ni Yohan.

Bahagyang lumapit si Yohan para mahawakan ang noo ni Gail. Nakaramdam ng pagkailang si Gail kaya naman napaiwas siya ng tingin.

"Oo, ayos na ako. Salamat nga pala." Nahihiyang sinabi ni Gail. Pero ngumiti lang sa kanya si Yohan.

"It's okay. Alam mo, para mas lalo kang gumaling kainin natin ng sabay yung niluto kong breakfast. Baka lumamig pa yun, tara na?" Aya ni Yohan.

"Sige." Ngiting tugon ni Gail.

Nang makarating sila sa kusina ay diri-deretso lang na naghain ng pagkainan si Yohan. Naupo naman si Gail at pinagmasdan si Yohan.

"Ah, Yohan." Panimula ni Gail.

"Hmmn?" Sagot ni Yohan without looking at her.

"Ano, naisip ko lang yung about sa agreement na pinapakiusap mo sakin. Ano, p-pumapayag na akong magpanggap na girlfriend mo." Tuloy na tuloy na sagot ni Gail kahit na medyo kinakabahan ay nagawa niyang titigan si Yohan sa mga mata nito para maipakitang seryoso siya.

Gulat naman na natigilan si Yohan at lumingon kay Gail. "Really?"

Napalunok ng laway si Gail at nag-isip agad ng pwede niyang isagot kung sakaling magtanong si Yohan.

Sandali ay natigilan si Gail at biglang naalala si Hallene.

"Hindi ba at 2nd Anniversary nila bukas?" She cleared her throat. "May isa akong kundisyon sana bago akong tuluyang pumirma."

"Kondisyon?" Takang tanong ni Yohan.

"Oo. Tungkol kay Hallene." Seryosong sagot ni Gail.

"Ha?" Medyo may pagkairita na sa tono ni Yohan pero si Gail ay hindi nagbago ng postura.

Always is Enough [Editing & Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon