Chapter 13.2 "My Savior?" (REVISED)

6.1K 55 8
                                    


6:00 PM

Oras na ng uwian ng mga employee kaya naman naisipan na ni Gail ang umalis sa Yate ngunit sa paglalakad niya ay hinanap niya ang dalawang yate na tinandaan niya kanina na padaan malapit sa exit pabalik sa Restaurant.

"Hays, mukhang minalas pa ako at naligaw ata ako? Try ko na lang kaya bumalik sa yate na pinanggalingan ko kanina?" At naglakad nga siya pabalik ngunit sa pagbalik niya ay hindi na niya matandaan ang nilakaran niyang lugar.

Pero natakot din siya sa isiping baka mas lalo lang siyang maligaw kaya umupo siya sa isa sa mga batuhan malapit sa dagat at namalagi pansamatala doon. Mayamaya pa ay naisipan niya na muli ay maglakad pabalik pero, sa paglalakad ay wala na siyang makitang dagat kundi gubat na.

"Did I lose my way?" Kabadong naglakad si Gail pero hindi niya na mapigilan ang maiyak sa sobrang takot na nararamdaman...

Samantala...

"Nasa'n na ba kasi ang babaeng yun? Kailangan niya ba talagang gawin yun? Bahala nga siya sa buhay niya. Ang dami pa kasing kaartehan sa buhay." Sabi niya sa sarili niya saka niya ulit binuksan ang agreement paper. "But seriously, where the hec she is?" Bulong niya sa isipan niya. He is now worried to Gail.

Mayamaya pa ay bigla na lamang may bumukas ng pinto sa office niya. Nakita niya sina Nathalie at Rico na humahangos at para bang may pag-aalala sa muhka nila.

"Sir." Panimula ni Rico. Tumayo naman agad si Yohan.

"Oh, bakit nandito pa kayo?" Yohan asked.

"Sir, si... si... Gail po kasi."

"Anong nangyari kay Gail?" Biglang nakaramdam ng pag-aalala si Yohan.

"Kasi po pagkatapos niya po kasing lumabas sa office niyo kanina, nung pinakita namin sa kanya yung dyaryo eh bigla na lang po siyang tumakbo paalis." Paliwanag ni Rico.

"Sinubukan pong habulin kanina ni Rico si Gail pero hindi na niya po naabutan." Dagdag naman ni Nathalie.

"Tumakbo? Papunta saan?" Tanong ni Yohan.

"Tumakbo po siya papunta, paliko ata sa mga yate." Sagot ni Rico.

"Ano!? Sa dulo ng Resort? Damn! Hindi pa nababakuran ang pinakalikod ng Resort! Maliligaw siya papuntang gubat! Ano bang tumakbo sa isipan ng babaeng yun?"

Agad na lumabas si Yohan at tumakbo paliko sa parke ng mga yate. Kumuha muna siya ng flashlight at jacket saka umalis para hanapin si Gail.

"Gail, please be safe." Bulong ni Yohan sa kanyang sarili.

Samantala... Sa gubat ay napagod na si Gail sa kakalakad kaya naman umupo siya sa may isang malaking bato malapit sa puno. Madilim ang paligid at tanging sinag lang ng buwan ang nagsisilbi niyang ilaw. Sa sobrang takot ay niyakap na lang niya ang sarili at hindi na napigilan ang maluha.

"Wala bang magliligtas sakin dito? May darating ba? Yohan? Darating ka kaya para hanapin ako?"

Hinawakan ni Gail ang sugat sa tuhod na natamo niya kanina habang naglalakad.

Pinunasan na lang ni Gail ang luha sa pisngi niya habang yakap yakp pa din ang sarili. Nasa ganung kalagayan siya ng makarinig siya ng isang boses...

"Bakit parang may tumatawag sa pangalan ko?" Tanong ni Gail sa kanyang isipan.

Tumayo siya at nagpalinga-linga. Nang makilala niya ang boses ay saka din siya sumigaw.

"Yohan! Yohan! Nandito ako! Tulungan mo'ko!" Sigaw niya habang tinataas pa ng mga kamay.

Agad na nakita ni Yohan si Gail at nilapitan. Agad na yumakap si Gail habang umiiyak. Niyakap naman siya pabalik ni Yohan saka niya inilagay ang jacket kay Gail.

"Salamat. Salamat at hinanap mo ako." Naiiyak na sabi ni Gail pero yumakap lang si Yohan.

"Mabuti at ligtas ka." Sagot ni Yohan saka niya hinawakan sa magkabilang pisni si Gail. "Bumalik na tayo sa Resort." Gail nodded.

Pinunasan ni Gail ang mga luhya niya saka naman siya binuhat ni Yohan ng pa-piggy back dahil sa sugat niya.

"Sorry.." Gail suddenly says.

"Ayos lang ang importante ay ligtas ka at walang nangyaring masama sayo." Sagot ni Yohan.

Napatitig si Gail sa mga mata ni Yohan, madilim man ang paligid ay kitang-kita niya at malinaw na sobrang nag-alala sa kanya si Yohan.

Mayamaya pa ay nakalabas na sila ng gubat. Pasan siya ni Yohan sa likod nito saka siya dinala sa kwarto niya.

"Dito ka na muna mag-stay sa kwarto ko this night okay?" Sabi ni Yohan saka dahn-dahang nilapag si Gail sa kama.

"B-Bakit?" Takang tanong ni Gail.

"Aalagaan kita kasi ho nilalagnat ka." Ngiting sagot sa kanya ni Yohan saka ito naglakad sa may isang cabinet at kumuha ng first aid kit.

"Sabihin niyong hindi 'to nangyayari ngayon? Pero, bakit para yatang ang bait niya ngayon?" 

Umupo si Yohan sa tabi ng kama saka hinanda ang kit.

"Lalabas na muna ako para kumuha ng warm water and glassf water." Sabi nito saka na siya tumayo pero pinigilan siya ni Gail.

"Yohan, salamat." Gail said. Yohan just nodded and smile saka lumabas.

Nang makakuha na ng warm water and glass of water si Yohan ay naabutan niya si Gail na tulog na. Dahan-dahan niyang nilapag ang mga dala niya sa table saka umupo sa bed side at pinagmasdan si Gail.

"Sorry, Gail kung hindi dahil sa akin hindi ka magkakaganyan. Ayokong masaktan ka at madamay, pero wala akong magagawa dahil mas mapapahamak ka lalo na't alam ng publiko ang tungkol sayo. At sa ganitong paraan lang kita mapu-protektahan. Maniwala ka sana sakin Gail na para sa kaligtasan mo'to ikaw lang ang iniisip ko." Ang sabi ni Yohan habang hinahawi pa ang ilang hibla ng buhok ni Gail.

Napansin ni Yohan na may tumulong luha sa gilid ng mga mata ni Gail, agad naman niyang pinunasan ng plad niya ang luhang yun at hinawakan sa kamay si Gail.

"Pangako. Simula ngayon, hindi ako mawawala sa tabi mo."

Saka niya hinalikan si Gail sa noo. Napansin niya na nakangiti na si Gail at mukhang maganda na ang panaginip nito.

"Aaminin ko mas cute ka kapag ngumingiti." Bulong ni Yohan sa kanyang sarili.

Mayamaya pa ay natulog siya sa sofa habang iniwang nakabukas ang lampshade.

~~~

REVISED!



Always is Enough [Editing & Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon