Chapter 6.2 "Milee Kim Santos." (Revised)

7K 45 0
                                    

~

Agad silang nakarating sa ospital kung saan dinala ang papa ni Milee. Mabilis na bumaba sina Gail at Milee at tinanong agad sa nurse kung nasa'n ang room ng papa niya.

At napagalaman nilang nasa emergency room ngayon ang papa niya. Bigla namang dumating ang kapatid ni Milee na si Emon at sinugod ng yakap ang kapatid.

"Kuya? K-kamusta na ang lagay ni papa?" Tanong agad ni Milee habang patuloy lang ang agos ng kanyang luha.

"Huminahon ka muna Milee." Yun lang ang naisagot ni Emon sapagkat maging siya ay walang ideya at hindi sigurado sa kung ano nang nangyayari sa loob ng emergency room.

Napaupo si Milee sa isang upuan sa labas ng ER at tinabihan naman siya ni Gail saka hinagod-hagod ang likuran ni Milee para patahanin.

"Sinusuri pa siya ng mga doctor ngayon tsaka kanina ko lang nalaman na matagal ng may sakit si papa pero nililihim niya lang satin." Sabi naman ni Emon na ngayon ay nakayuko lang at nagpipigil lang ng luha.

"P-pero kuya? Ano bang.. Ano bang sakit niya?" May hikbing tanong ni Milee.

"Hindi ko alam Milee, wala din siyang sinabi kung ano." Sagot naman ni Emon.

Tahimik na napaiyak si Milee habang nakasandal kay Gail. Napahagulgol siya ng iyak dahil sa hindi makapaniwalang pangyayari. Malakas pa ang papa niya nung huli niya itong nakita kaya naman hindi niya inaasahan ang mangyayari ngayon.

"Tahan na Milee, gagaling din ang papa mo. Wag kang mawawalan ng pag-asa." Sabi ni Gail habang nakayakap siya kay Milee.

Hindi sumagot si Milee pero niyakap na lang niya si Gail.

Mayamaya pa ay lumabas ang doctor galing ER at si Milee agad ang sumalubong dito at agad na nagtanong.

"Kamusta na po ang papa ko?" Tanong ni Milee.

"Sa ngayon ay medyo okay na siya. Pero sa nakikita namin ay mukhang sasailalim siya sa isang operasyon." Sagot naman ng doctor.

"Bakit po doc? Ano pong sakit ng papa ko?" Biglang tanong naman ni Emon.

"He has stage 2 brain canser."

Always is Enough [Editing & Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon