Chapter 7 "Does he like my friend?" (Revised)

6.8K 45 4
  • Dedicated to Yuki Gonzales
                                    

8:30 am saktong nagising si Milee. Napalingon siya sa papa niya na natutulog bahagya siyang ngumiti ng makita ang papa niya. Siya namang lumapit ang kakarating lang na si Gail.

"Gail? Nasa'n si kuya?" Biglang tanong ni Milee.

"Umalis na siya dahil may pasok na daw siya, pero baka umuwi din daw siya ng maaga kaya ibinilin ka niya muna sakin." Sagot naman ni Gail.

"Ah ganun ba?" Tumingin ulit si Milee sa papa niya at hinawakan ang kamay nito. Lumapit naman sa kanya si Gail at hinawakan siya sa balikat.

"Kumain ka na." Utos ni Gail sa kaibigan saka niya ito inabutan ng makakain. Kinuha naman iyon ni Milee at ngumiti kay Gail.

"Salamat Gail."

"Wala yun, basta ikaw. Kumain ka na." Sagot naman ni Gail. Nag-nod lang si Milee sa kanya.

Habang kumakain si Milee ay nakaramdam na naman siya ng lungkot kaya napabuntong-hininga siya saka ulit tumingin sa papa niya.

"Milee? Bakit? May problema ba?" Tanong ni Gail ng mapansin ang kaibigan na bumuntong-hininga.

"Iniisip ko kasi kung saan ako kukuha ng perang pang-opera kay papa." Sagot naman ni Milee.

Nang sabihin yun ni Milee ay biglang pumasokn sa isipan niya ang kaninang pinag-usapan nila ni Yohan.

"Milee? Pwede ka bang makausap?" Tanong ni Gail na ipinagtaka ni Milee. Pero pinaunlakan niya ang hiling ng kaibigan at napili nilang mag-usap sa roof top ng ospital

"Tungkol saan ang paguusapan natin Gail?" Tanong ni Milee. Huminga muna ng malalim si Gail at hinanda na ang sasabihin niya sa kaibigan.

"Tungkol dun sa perang pang opera mo sa papa mo, may naisip na kong paraan kung saan ka makakakuha ng pera." Sagot ni Gail.

"At saan naman?" Tanong ulit ni Milee.

Always is Enough [Editing & Revising]Where stories live. Discover now