24. Milestone

155K 3.8K 327
                                    

"Adam, ano bang ginagawa mo diyan? Halika na dito!"

I was smiling wide while I was calling Adam. His sexy back was on me. He looked as if he was looking out for something.

"Adam!" I called him again. This time he turned to me and smiled.

"Goodbye, mahal ko." What he said sent shivers down my spine. He took a step forward and I saw him falling down the cliff. I ran after him but when I got there, wala na siya. He was gone. He had left me.

"Adam!!!"

I opened my eyes and I realized that I was still inside the four-walled hospital room where Adam was. Agad kong pinahid ang mga luha ko at saka tumayo para daluhan ang natutulog na si Adam. Halos tatlong araw na siyang hindi gumigising. Sabi ng doktor, kahit natanggal na ang bala sa likuran niya ay hindi pa rin siya nakakaligtas. Tinamaan kasi ang bandang baga ni Adam, napasukan ng tubig ang baga niya kaya nandito siya sa ganitong sitwasyon. I touched his face.

"Mahal, gising na..." Bulong ko sa kanya. "Miss na miss na kita." Pinahid ko ang mga luha ko. I hated Calvin for what he did to the man I love. I wished that he would go to hell! Sana mamatay na siya.

Matapos niyang mabaril si Adam ay dumating ang mga pulis. Hinuli nila si Calvin pero nagkapalitan muna sila ng putok. In the end, tinamaan si Calvin ng bala and he was rushed into the hospital. Nandito rin siya sa ospital na ito pero wala akong pakialam sa kanya. Masama na kung masama pero gabi-gabi kong pinagdadasal na sana mamatay si Calvin – kahit mamatay siya, hindi niya pa rin mababayaran ang ginawa niya kay Adam.

Bumukas ang pinto. Pinahid ko naman ang luha ko at saka inayos ang sarili ko. I looked back and I saw Honey Rose entering the room – kasama niya si Sonny at si Frida. Lahat sila ay may dalang bulaklak para kay Adam.

Pinilit kong ngumiti.

"Girl." Tawag sa akin ni Sonny. Lumapit siya sa akin at saka niyakap ako. "Diosko! Ang payat-payat mo na!" Sabi niya sa akin. Pinahid ko ang luha ko at saka lumapit kay Frida. I kissed her cheeks.

"Kumakain ka pa ba?" Tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Ano, dumilat na ba?" Tanong ni Honey Rose. Umiling ako. She sighed. Lumapit siya kay Adam at saka hinaplos-haplos ang ulo nito. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang noohan si Adam.

"Honey!" Agad akong lumapit sa kanya. That was when I realized that she was crying. Nakayuko lang siya at humihikbi.

"Hoy, Adam! Gumising ka diyan! Bumangon ka! Bwisit ka talaga! Tumayo ka na diyan!" Gigil na gigil si Honey habang nakatayo sa gilid. Hinawakan ko siya sa balikat.

"Adam!" Sigaw niya pa. Maya-maya ay pumiyok na ang boses niya. "K-kuya..."

Para akong nanghina nang marinig kong tawagin niya si Adam na kuya. Niyakap ko si Honey. Pareho na kaming lumuluha ngayon. Naisip ko na iisa lang kami ni Honey ng nararamdaman. She was scared of losing Adam. Pareho kasi kami, si Adam na lang ang meron kaming dalawa. Siya bilang pamilya – ako bilang lahat sa akin.

Ilang saglit pa ay huminahon na si Honey. Naupo siya sa couch at saka humilig kay Sonny.

"K-kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Ikaw, kumain ka na ba?" Tanong ni Honey sa akin. Umiling ako. "Naku, Aura. Kumain ka muna. Kapag nalaman ni Adam na pinababayaan mo ang sarili mo dahil sa kanya, magagalit lang iyan sa'yo. Kumain ka muna, kami na muna ang bahala dito." Sabi niya. Naupo lang ako sa tabi ni Adam. Ayokong umalis doon. Baka kasi magising na siya. Gusto ko na ako ang una niyang makita sa oras na bumukas ang mga mata niya.

Hands all over (Published)Where stories live. Discover now