2. One night stand

231K 4.5K 481
                                    

"Wala na si Dam..."

Natatandaan ko ang sinabi ko kay Daddy ang mga salitang iyon kanina. Wala na si Dam, pero nandito siya sa harapan ko, kaiba sa Dam na kilala ko noon, kaiba sa Dam na akala ko ay hindi magbabago.

Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Sa unang pagkakataon mula nang masanay ako sa trabahong meron ako ay nakadama ako ng hiya. Gusto kong takpan ang hubad kong katawan dahil nakakaramdam ako ng kaba sa kaalamang nandito siya sa harapan ko.

"Sino ka? What are you doing in my unit?" Wika niya habang nakatitig sa akin. "Ang why are you naked?" He hissed.

"Adam, brother you're here!"

Sumigaw ang Lukas na iyon. Pinuntahan niya si Adam at saka inakbayan. Napasinghap ako dahil napansin kong titig na titig siya sa akin. His eyes were piercing right through my soul at para bang alam na niya kung sino ako. Kabang-kaba ako. Ano kayang magiging rekasyon niya sa oras na malaman niya na ako ang babae sa likod ng mascara?

"Adam, meet Moonshine, she's a stripper."Pakilala sa akin ni Lukas. Napalunok ako. Matagal ko nang alam na stripper ako. Hindi ko alintanan na ipinakikilala akong ganoon pero sa ngayon, parang hindi ko masikmura ang katotohanan, hindi ko kayang idikit sa pangalan ko ang trabahong iyon lalo na kung nasa harap ako ni Adam.

"Anong ginagawa ng stripper sa unit ko? Akala ko ba bawal ang stripper? Nagbilin si Apollo." Parang pinaaalalahanan niya ang kapatid niya. Lukas smiled. Pinisil niya ang braso nito at saka ngumisi.

"Hindi naman para sa akin ang stripper, at mas lalong hindi para kay Sancho, para siya sa'yo!"

Nanlaki ang mga mata ko. Kanina ay handa akong magpaubaya, alam kong hindi ako gagalawin ng dalawang lalaking iyon dahil pareho silang may asawa pero si Adam kaya? Bigla kong naalala ang sinabi ng dalawang lalaki na hindi daw taken si Adam, ibig sabihin, wala siyang asawa, walang siyang girlfriend, walang kahit na ano. Biglang sumibol ang pag-asa sa puso ko.

"Sa akin? Bakit sa akin?"

"Kasi wala kang girlfiriend. Better have a good time tonight!" Sigaw pa ni Lukas. "Come, Sanch! Magpakasasa na lang tayo sa alak." Tumalikod si Lukas, nakita kong sumunod si Sancho sa kanya, they both rode the elevator. Sa madaling salita ay naiwan ko sa lugar na iyon kasama si Adam na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang bra na ibinato ko sa kanya kanina.

My heart was beating fast; he was looking at me, naaalala niya kaya ako? Naaalala niya pa kaya ang mga pinagsamahan namin noon?

"Miss, suot mo." Sabi niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at inalagay doon ang panloob ko. Nilagpasan niya ako. Agad kong sinuot ang bra ko at saka atubiling sumunod sa kanya. I saw him taking a bottle of water from the ref on his kitchen. Niluluwagan niya ang nectie niya, hinubad niya ang coat niya at nang humarap siya sa akin ay parang nagulat pa siya.

"O, nandito ka pa? You can go home now." He said again. Natutulala ako sa tuwing magsasalita siya gamit ang banyagang wikang iyon. Iba kasi, hindi pilit, hindi tulad noon na hirap na hirap siyang intindihin ang mga sinasabi ko. Noong simpleng ingles lang ay hirap siyang sabihin pero ngayon, I could hear an accent coming from him.

"Alam ko na, Lukas didn't pay you yet." He said. Lumakad siya at muli akong nilagpasan, pumasok siya sa silid niya at nang lumabas ay may hawak na siyang check book. "Hindi ko alam kung magkano ang usapan ninyo, so I'll give you a blank check, kahit magkano ang ilagay mo." He gave the check to me, may pirma na niya iyon. "Just not a million, if you try that, I'll make sure you'll go to jail." Seryosong sabi niya. I took the check, pero hindi pa rin ako makaalis sa kinauupuan ko. I was just staring at him.

Hands all over (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon