11. Kasal-kasalan

155K 3.6K 362
                                    

"Adam!"

Agad na kumunot ang noo ko nang marinig ko ang matinis na boses na iyon. Mabilis akong naglakad patungo sa sala at doon nakita ko si Honey Rose na nakatayo at may dalang mga bags. I automatically smiled and ran to her. Niyakap ko siya.

"God, Adam, I missed you!" She said while hugging me. I'm happy to see her. Halos dalawang buwan din siya sa Singapore. She went there for her thesis – and now that she's bac, it only means na tapos na siya.

"Kamusta?" I asked excitedly. She caressed my face.

"Why do I have a feeling na may ginagawa kang kalokohan habang wala ako?" Tanong niya sa akin. I just smiled. Minsan gusto kong isipin na mas kilala pa ni Honey Rose ang sarili ko kaysa sa akin. Wala pa akong sinasabi ay alam na niya ang iniisip ko. She wrapped her arms around my neck and to give me a light kiss.

"Na-miss kita, Honey, ang tagal mong nawala. You wanna have lunch with me?" I asked her.

"Hmn, iniiba ang usap, may ginawa ka nga!" Sabi niya. Umiling na lang ako. Hinawakan ko ang kamay niya at saka dinala siya sa dining area. Naroon si Aura at naghahanda ng almusal ko. I saw her looking at me and Honey while she was holding a cup of coffee. Siniko naman ako ni Honey at inginuso si Aura.

"May maid ka na?" Tanong niya. Aura didn't say anything. Dapat lang. Wala siyang karapatang magsalita. Ginago niya ako noon.

"Si Aura, maid ko." Sabi ko. Kaswal na kaswal ang tono ko. Ipinaghila ko pa si Honey ng upuan at nang tingnan ko siya ay pinanlalakihan niya ako ng mata.

"Aura? Iyong..." Hindi na niya tinuloy ang sinabi niya. She looked at Aura again tapos ay tumingin siya sa akin. Nilagyan siya ni Aura ng plato at inabutan ng utensils, akmang uupo na rin si Aura nang magsalita ako.

"What are you doing? Hindi sumasabay ang katulong sa amo. Get out." I said to her. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko pero agad din siyang tumayo at umalis. Nang kami na lang ni Honey ay binatukan niya ako.

"Wag kang mean sa asawa mo!" Sigaw niya. Hindi ko siya pinansin. Kumuha ako ng pancakes at bacon. I started eating. "Narinig mo ba ako, Adam Ignacio?"

"Asawa? Hindi naman siya naging asawa sa akin kahit kailan. Bakit ako magiging mabait sa kanya? She ruined my life."

"Saang parte?" Tanong niya. "Adam nakikita mo ba ang sarili mo o baka nakalimutan mo na namang tumingin sa salamin kaninang umaga? Mayaman ka! Kaya nga ng pamilya mong bilhin ang buong Luzon! Tapos sasabihin mo na sinira niya ang buhay mo? Kung may naninira ng buhay, ikaw iyon! Bwisit!"

Biglang tumayo si Honey. Napapailing na sinundan ko siya.

"Honey!" Sigaw ko. She took her bag and faced me.

"Naiinis ako sa'yo! Masyado mong inalagaan iyang galit sa katawan mo. Oo mabait ka pa rin pero unti-unti ka nang nagiging halimaw Adam. Minsan kapag pinapakinggan kita tinatanong ko sa sarili ko kung anong nangyari sa taong itinuring kong kapatid. Parang hindi na kita kilala."

She walked out. Nakadama ako ng inis. Lunes na Lunes nasira ang araw ko. Bumalik ako sa dining area at doon nakita ko si Aura na nagliligpit na ng hapag. Inilang hakbang ko siya at saka hinablot sa braso. Halatang nabigla siya sa ginawa ko.

"A-adam ma-masakit!" Daing niya. Hinablot ko ang buhok niya. "Ahhh!" I saw her tearing up pero wala akong pakialam. This woman have ruined everything in my life. I loved her, I cared for her, I put her to a pedestal but she wasted everything I ever did for her. I loved her with all of me and yet she managed to ruin my heart and soul into tiny little pieces.

Hands all over (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon