13. Day one

162K 3.7K 645
                                    

Aalis na ako.

Iyon ang unang pumasok sa isip ko nang magising ako kinabukasan. Masama ang pakiramdam ko, masakit ang ulo, lalamunan at mga mata ko pero kailangan kong bumangon. Hindi ko ipapakita kay Adam na nasaktan na naman niya ako. Tama na ang halos apat na buwan na tinitiis ko lahat. Suko na ako, kung hindi niya ako mapapatawad, hindi na, wala na akong magagawa basta ayoko na.

Lumabas ako ng maid's quarter, nadatnan ko si Manang Cynthia – ang katiwala sa rest house na naghahanda ng almusal. Tumulong ako sa kanya. Inayos ko ang dining table, matapos iyon ay sinabi niya sa akin na gisingin ko na daw ang mga amo naming. I smirked, wala akong amo, si Adam lang pero pagkatapos ng araw na iyo, aalis na talaga ako. Tahimik akong umakyat sa itaas, una akong kumatok sa silid nina Lukas at Apollo, Apollo greeted with a smile, bihis na siya, pababa na daw sila ni Lukas – ayon din sa kanya maaga daw nagising sina Sancho dahil naglakad ang mga ito sa may lake sa ibaba lang ng lupain. Sumunod akong nagpunta sa silid ni Adam. Hindi ko alam kung anong mangyayari, basta sasabihin ko na lang sa kanya na handa na ang almusal tapos ay wala na. I was about to knock on his door when it opened. Mula doon ay lumabas si Samantha. Kumot lang ang nakabalot sa katawan niya.

"Ay!" She screamed. "Nagulat naman ako sa'yo, Aura. May kailangan ka ba?" Tanong niya.

"Sino iyan, Sam?" Narinig kong sabi ni Adam.

"Si Aura, may kailangan yata siya sa'yo, hon." Sabi pa niya kay Adam. Hindi naman nagsalita si Adam. Sam was smiling. "Nagbibihis kasi siya, alam mo na." Humagikgik pa siya.

"Handa na po iyong almusal." Sabi ko sa kanya at saka tumalikod na. Pilit kong ginagawang manhid ang sarili ko. Hindi naman ako tanga, alam ko kung anong nangyari sa kanila ni Samantha at nasasaktan na ako. Hindi ko na talaga kaya. Buo na ang desisyon ko, aalis ako, mapatawad man ako ni Adam o hindi, aalis na ako. Mababa na ako, hindi ko na kailangan magpakababa ng sobra dahil lang sa kanya. Minsan ko nang binaboy ang sarili ko para sa kanya, hindi ko na uulitin iyon.

Tahimik lang ako buong maghapon. Dama ko ang pag-iinit ng mga mata ko – pero hindi ako iiyak. Tama na ang bald eng luhang iniyak ko para kay Adam. Husto na. Kailangan ko nang gumalaw.

"Aura, maghanda ka na, aalis na daw kayo." Narinig kong sabi ni Mang Cynthia sa akin. Pumasok ako sa maid's quarter at saka kinuha ang mga gamit ko. Nang makalabas ako ay nakita ko na ang pamilya na isa-isang bumababa mula sa mga silid nila papunta sa sasakyan. Takbo nang takbo si Yza at Yto.

"Yaya, let's go!" Sigaw ni Yza sa akin.

"Papunta na." Nakangiting sagot ko. Tuwing nakikita ko ang mga batang iyon ay gumagaan ang loob ko. Everytime they smile at me, I feel like there's something more in this world that I need to look forward to and that just because the man I love hates me so much means that it's the end of the world. Hindi pa katapusan.

Tumakbo si Yto papunta sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at saka hinatak ako papunta sa coaster. Nakangiti ako sa kanya.

"Yaya, did you cry again? Your eyes are swollen."

"Hindi lang ako nakatulog, Yto." Sagot ko sa kanya. Hindi naman talaga ako nakatulog kagabi dahil sa kakaiyak, pero hindi na niya kailangan malaman iyon. Napansin kong nakatingin sa amin si Sheena, nanigas naman ang balikat ko. Hindi ko alam kung paano makikitungo sa kanya ngayon na alam kong alam na nilang lahat kung saan ba ako napulot ni Adam. I gave her a weak smile.

"C'mon, Yto, your mom is waiting." I told him, magkahawak kamay kaming umakyat sa coaster.

"Yaya, do you want me to sit beside you?" Wika pa niya habang naglalakad kami sa gitna ng aisle ng coaster.

Hands all over (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon