15. Nandito na ako

160K 3.8K 375
                                    

I spent the next days with the super trio – Honey, Frida and Sonny. Wala naman akong problema sa kanila. They are all nice to me, minsan nga nagpaturo pa si Frida sa akin kung paano sumayaw sa pole, I willingly taught her, it became our workout every morning. I have learned things about them – like si Sonny, hanggang ngayon hindi alam ng lahat na gay siya – he was from a rich family – his mom was a former military officer, ang mga kapatid naman niya ay nasa NBI siya lang ang lumisya ng business – a make up business – hindi pa rin tanggap sa kanila na ganoon ang trabaho niya – okay lang naman as long as nagpapakalalaki daw siya pero deep inside, babae siya. Si Frida, she had undergone changed after her father died, itinakwil siya ng pamilya niya dahil kabastusan daw ang ginawa niya pero din a niya ininda. Just like what she said: "Darating ang panahon, matatanggap nila ulit ako."

Naisip ko tuloy na sana applicable sa aming dalawa ni Adam iyon.

"Si Adam na naman?" Tanong sa akin ni Honey, we were inside their studio, she was holding a cup of coffee habang ako naman ay nakaupo sa may bintana at nakatanaw kung saan. "I saw him yesterday, he looks like hell." Sabi niya sa akin. I looked at her.

"Kinamusta mo?" Tanong ko.

"Oo, di ko naman matitiis iyon. Kahit halimaw siya sa paningin ko ngayon, magkadikit ang pusod namin noon." Sabi niya sa akin. Napangiti ako. Honey looks up to Adam so much. She once said na kaya siya nagsumikap makapag-aral ay dahil naiinggit siya kay Adam na may degree na at sa New York pa. So technically, she is who she is because of Adam's influence.

"Lahat may say ako sa buhay niya. Kahit naiinis na siya sa akin. Minsan, isang taon kaming di nag-usap noon." Humagikgik siya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Kasi inokray ko iyong girlfriend niya. Tapos minsan – with the same girl ha- I caught him – you know... in his room with that woman, sumigaw ako, sabi ko, Dammit, Adam you're cheating on your wife again!" Humagikgik siya, nanlalaki naman ang mga mata ko.

"Ayon, galit na galit sa akin." She smiled tapos ay tumingin siya. "Alam mo kasi, Aura, kahit na nangyari sa inyo ni Adam iyon, gusto kita para sa kanya." Nagkibit balikat siya. "Nakita ko kasi siya noong panahong mabait pa siya at in love na in love siya sa'yo, he was at his best. He was so happy..."

"Then... I did that." Mahinang wika ko.

"Oo, pero I still think that you brought out the best of him. Sa tingin mo kung hindi siya nagalit sa'yo, magsusumikap siyang umangat? Di niya man sinasabi, alam kong ginawa niya iyong mga bagay na iyon para sa'yo, para sa inyong dalawa. He loved you so much. He did everything for you kaya ganoon na lang iyong inis ko noong sinabi niyang sinira mo daw ang buhay niya. Fuck him right?"

"Mahal ko pa rin siya." Sabi ko. Honey nodded.

"You'll have your time with him, pero sa ngayon, mahalin mo muna ang sarili mo. Madalas sabihin sa akin ni Frida – na kapag nagmamahal daw magtira ng kahit 10% para sa sarili, para kapag iniwan ka na at sinaktan, you will have the will and the power to pick yourself up and move on."

"Salamat Honey." Sabi ko sa kanya.

"Wala iyon! Alam mo naman na ulila ako at matagal ko nang gusto ng kapatid na babae, dito sa mundo ko, ang mga kapatid ko, isang halimaw at dalawang binabae, I had always wanted a sister, sana pwedeng ikaw."

"Oo naman." Sabi ko sa kanya.

"Ay!!!!!"

Nagulat ako nang marinig ko ang tili ni Frida. Tumayo kami ni Honey at tumakbo sa kanila. We found Frida holding a magazine while still screaming.

Hands all over (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon