12. Tell me something I don't know

163K 3.8K 803
                                    

"Adam, pwede ko bang dalawin si Dad bukas? I was thinking of spending the night with them. Nami-miss ko na kasi sila."

"Hindi pwede." Malamig niyang sagot. Hindi na ako kumibo. "Aalis tayo ngayong araw, sa Sabado ka umuwi sa inyo." Malamig na sagot niya. Gusto kong umalma pero galit siya, mainit ang ulo niya kaya hindi na ako nagsalita. Nasa living room siya noon at nagbabasa, nakatayo lang ako sa harapan niya.

"Mag-empake ka nga pala, pang two days na gamit. Aalis tayo ngayon. Gustong umuwi ni Lola sa farm. She wanted to give a welcome party for Sheena and Sancho. The whole family will be there so please lang, huwag mo akong ipapahiya." Wika niya sa akin.

"O-okay..." Wika ko. I went to our room, inilabas ko ang bag ko at saka nagsimulang maglagay ng gamit doon. Nang matapos ako sa gamit ko ay siya naman ang pinag-empake ko. I was so busy packing his things up when I suddenly felt his arms around me. Natigilan ako. Wala naman siyang ginawa, bigla na lang niya akong niyakap mula sa likuran. He was so close that I could actually feel his warmth.

"A-adam..." Tawag ko sa kanya. Bigla siyang lumayo.

"Magbihis ka na, nandyan na sila." Malamig na naman ang tinig niya. Napaluha na naman ako. Sumunod ako sa kanya palabas ng pinto, nakita ko doon ang mga unipromadong lalaki. Iyong isa, kinuha niya ang bag na dala ko.

"Thank you." Sabi ko. Ngumiti lang ang lalaking iyon at saka umalis. Nauna silang bumaba, nagulat naman ako nang bigla akong hablutin ni Adam. Napangiwi ako.

"Adam, ano ba?" Nangingiming tanong ko.

"Nilalandi mo si B1 sa harap ko! Puta ka talaga!" He hissed. Binitiwan niya ako. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. "Tang ina! Hanggang kailan mo ako iiyakan! Akala mo ba naniniwala ako sa mga luha mo! Putang ina! Tumigil ka na!" Sigaw niya sa akin.

"Sorry, Adam, sorry." Sabi ko. Pinahid ko ang mga luha ko at saka sinubukan kong kumalma. Hinatak naman niya ako papunta sa elevator. Nang makababa kami sa parking lot ay nakita ko ang isang coaster na nakaparada doon. Doon pumasok si Adam, sumunod lang ako.

"Lola, si Aura, katulong ko." Pakilala niya sa akin sa lola niya. I smiled. Ngumiti din sa akin ang lola niya. Nakita kong hinaplos niya ang pisngi ni Adam.

"Adam, do you remember Samantha? Siya iyong date mo sa party ni Don Robert. Sinama ko siya para hindi ka naman malungkot, sit beside her." Tiningnan ko ang babaeng tinawag ng Lola niya na Samantha, she was pretty, mestiza siya, matangkad, mukha siyang anghel at sigurado akong galing din siya sa magandang pamilya. Bagay sila ni Adam. Lumapit si Adam sa kanya. Adam kissed her cheeks tapos ay naupo sa tabi nito. Ako naman ang naupo sa likod. Mag-isa lang ako doon, tahimik lang akong umiiyak.

Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ko kayang tiisin ang lahat ng ibinibigay sa akin ni Adam. I know I sounded so martyr but I am willing to take everything he's throwing at me hanggang sa araw na mapatawad niya ako. Kaya kong magtiis para sa kanya hanggang sa araw na kaya na niya akong tingnan, kaya kong sikmurain lahat ng pananakit niya, I deserve that. I am and I will always be a bitch.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, nakahalukipkip ako, panaka-naka ay pinapahid ko ang luha ko. I feel so alone. I suddenly wanted to go back to that time when Adam was nice to me, iyong kulang na lang sambahin niya ako at ilagay sa kalangitan – iyong mga alaalang iyon lang ang nagpapalakas ng loob ko, kung wala akong pinanghahawakan, siguro matagal ko na siyang tinakasan.

Hands all over (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon