17. Clarity

168K 4K 327
                                    

 I found Honey pacing back and forth in front of the emergency room. Lumingon siya at sinalubong ako ng yakap nang makita ako. Her eyes were swollen. Lalong lumakas ang kaba ko, ano bang nangyari? Nasaan na kaya si Adam.

"Anong nangyari? Nasaan si Adam?" Naiiyak na tanong ko.

"N-nasa loob." Humihikbing sagot niya. "Sinaksak siya, Aura."

I gasped when I heard what she just said. My tears started falling like rain. Adam is in danger. Someone tried to harm him. Napaupo ako. I put my palms on my face and cried hard. Paano kung mapahamak si Adam? Paano kung may mangyaring masama sa kanya? Hindi ko pa siya nakakasama nang matagal, mahal na mahal ko siya at gusto ko pa siyang makasama.

"Honey!"

Tinanggal ko ang mga kamay ko sa aking mukha at lumingon, I saw Lukas and Sancho running towards us, they looked worried. Si Lukas ay wala nang kulay ang mukha habang si Sancho naman ay hingal na hingal.

"Si Adam..." Sabi ni Honey. Umiyak na naman siya. She's hysterical. I tried calming her down. Maya-maya ay tinabihan ako ni Lukas.

"Anong nangyari?" He asked me. I shook my head. Wala akong alam. Hindi ko rin naiintindihan basta nag-aalala ako kay Adam. I was also scared. Paano kung --- I bit my lower lip. Ayokong isipin.

Sana maging okay na ang lahat, sana lumabas na iyong kung sinoman ang nasa loob at sabihin na okay na si Adam, na magaling na siya, na mabubuhay siya dahil gusto ko pa siyang makasama. I was sitting there, silently praying to God to heal him. I promised myself that if he gets better tonight, uuwi na ako sa kanya. I'll give him the chance he was asking for and I will be a wife to him now. Masyado nang matagal iyong anim na taong wala kami sa buhay nang isa'tisa. I wanna be with my Adam – maski anong version ni Adam tanggap ko – kahit iyong nananakit pa. Mahal na mahal ko siya.

Napahikbi ako. Nanginginig ang buong katawan ko habang nakaupo roon. Honey was still crying, si Lukas at si Sancho naman ay pabalik-balik sa paglalakad, they were sighing. Natigil ang mundo naming lahat nang bumukas ang emergency room. Lahat kami ay tumayo.

"Kamag-anak ni Mr. Consunji..." Wika ng doctor.

"Kami po, mga kapatid niya kami." Sagot ni Sancho. Tumingin ang doktor sa kanila.

"Okay na ang sugat niya. Pero maraming nawalang dugo sa kapatid ninyo, Sir. Kinailangan namin siyang salinan ng dugo. Right now, he's being transferred to a private room. Maghintay na lang tayo ng twenty-four hours para magising siya."

Matapos makapagpaliwanag ay nilagpasan kami ng doktor. Lalo lang akong naiyak – I feel so relieved. Adam's fine, he's going to live. Makakasama ko pa siya.

"Impakto kasi si Adam kaya matagal mamamatay." Narinig kong wika ni Honey. Kahit ayoko ay natawa ako. Napailing naman si Lukas at si Sancho.

"I'm gonna call grandma." Tinapik ni Luke ang balikat ni Sancho.

"I'll call my wife." He said to me. "Ikaw na muna ang umakyat sa room niya." Sabi ni Sancho sa akin. Tumango ako. Niyaya ko si Honey pero hindi naman siya sumama. Pagod na daw siya kaya nagpaalam na siyang umuwi. She kissed me and told me to take care of Adam.

Nagmamadaling umakyat ako sa private room niya. When I got there, I slowly opened the door and get in. I walked in silence, lumapit ako sa kama niya. My tears fell when I saw him lying on the bed. Nakahubad siya pero may bandage ang buong dibdib niya. May mga pasa siya sa mukha, putok ang kilay pati labi. Nangingitim ang gilid ng mga mata nito. May gasgas din ang mga braso nito.

Hands all over (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon