14. Hindi ko sasayangin

160K 3.7K 302
                                    

"Adam are you even listening to me?"

Samantha kept on talking but I'm not really listening to her. I kept on looking at the barista inside the coffee shop, she had a short hair, and a pair of striking eyes – just like what Aura had. I sighed. Hindi na Maganda ang nangyayari sa akin. In the first place, why am I missing her? Hindi naman siya bagay sa buhay ko, she made a choice, she left me at alam ko naman kung bakit.

Sumobra ako. I just wanted her to feel the pain I felt six years ago pero sumbora ako sa huli iniwan niya ako. Akala ko sa oras na makita ko siyang umiiyak at nagmamakaawa sa akin sasaya ako, pero hindi ako sumaya, everytime I see her crying I wanted to punch myself, everytime I see those tears falling down from her eyes, gusto kong tumalon sa balcony ng pent house dahil tuwing nasasaktan siya, nasasaktan din ako pero hindi ko naman mapigilan kasi nangingibabaw ang galit. Tuwing nakikita ko siya, nasasaktan ako, bumabalik sa akin ang gabing iyon – bumabalik ang sakit pero dahil sa sakit na iyon, nawala na naman siya sa akin.

Mahal na mahal ko pa rin si Aura. Siguro tanga ako dahil sa kabila ng ginawa niya sa akin, mahal ko pa rin siya. I had six years to throw away everything that had something to do with her pero hindi ko nagawa, nasayang ang anim na taon, ni hindi ko siya nakalimutan. It was always her, it had always been her – kahit na may kasama akong ibang babae sa kama, mukha niya pa rin ang iniisip ko. Minsan, iniisip ko kung tinanggap ko siya noon, siguro masaya kami.

I'm sorry, Sam, I'm just not in the mood." Sabi ko sa kanya. I looked away again.

"Adam, gusto mo ba ako? Cause I like you, I like you a lot kaya nga may nangyari sa atin sa rest house ninyo. I like you, Adam." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko – agad kong binawi iyon.

"Kailangan ko nang umalis." Wika ko. Iniwan ko siya. Hindi ako lumingon kahit paulit-ulit niya akong tinatawag. Sumakay ako agad sa kotse at tinahak ang daan patungo sa opisina ko. Traffic sa main road kaya matagal akong nakahinto roon. I was looking around when I saw a familiar figure crossing the street – si Aura. She was holding all those tupperwares and containers. Nakasuot siya ng malaking polo, may hawak siyang putting towel tapos ay may baseball cup sa ulo. Wala sa loob na bumaba ako ng sasakyan at saka sinundan siya. She crossed the street. I was half running just to get to her and when I reached her, I grabbed her arm. Mukhang nagulat naman siya.

"Uy!" She exclaimed. She faced me. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita ako. "Oh, Adam, umaano ka dito?" Kaswal na sabi niya.

"Aura, anong ginagawa mo?" I asked her.

"Nagtatrabaho. Kailangan kong kumita para sa pamilya ko." Sabi niya. Wala akong makitang reaksyon sa mukha niya. "Isa pa, kailangan kong mag-ipon para ipambayad sa utang ko sa'yo. Paunti-unti mababayaran ko iyong milyon mo, pero maghintay ka muna. Family comes first." She said like it was the most casual thing to do. Nagsimula na naman siyang maglakad.

"Aura!" I called. I followed her. "Bumalik ka na lang sa akin." She stopped.

"Ayoko." Tumalikod siya.

"I can support you and your family."

"Adam, trabaho nga galing kay Honey Rose hindi ko tinanggap, iyang pa kayang pera mo?" Umiling siya. "Mahirap kami pero hindi ako babalik sa'yo para sa pera. Kung hindi ako makakaipon, hahanap ako ng ibang trabaho."

"Ano, babalik ka sa club?" Tanong ko sa kanya. Nag-init na naman ang ulo ko.

"Susubukan kong hindi. Sayang ang pera mo kapag bumalik ako doon. Ayoko nang masayang iyon, minsan ko nang sinayang iyang pagmamahal mo, kahit man lang sana iyong perang inilabas mo sa akin malagay sa tama. Sabi mo nga diba? Money well spent." Sarkastiko ang tono niya at nasasaktan ako.

Hands all over (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon