1. A not so "Bachelor" party

255K 4.8K 655
                                    


"Anak, hindi ka pa ba magre-resign diyan sa call center na iyan?"

Nakatingin lang ako kay Mommy habang nagsusuklay ng buhok, halos kauuwi ko lang noon sa bahay, as usal, umaga na naman ako nakauwi at ang alam ni mommy at nang lahat ng tao sa bahay ay galing ako sa call center dahil ang alam nilang trabaho ko ay agent. Hindi ko sumagot agad. I had been lying to my family for a very long time. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ang ipinapakain ko sa kanila ay galing sa pamumuhunan ko sa katawan at laman ko. I just smiled.

"Ma-maayos naman po ang kita, diba Mom?" I said to her. Tumayo siya sa likod ko at kinuha ang suklay, siya na mismo ang nagsuklay sa akin. She was looking at me in the mirror.

"Oo, pero hindi ka pa ba napapagod? I mean, ang sabi mo kapag nakaipon ka na, mag-aaral ka ulit. Aura, you're not getting any younger, you have to finish your degree. Hija, kahit naman na-bankrupt tayo, your dad still wants you to graduate."

I sighed. Paulit-ulit na lang itong sinasabi ni Mommy. She wanted me to quit my job because I have to go to school. Hindi ko naman pwedeng gawin iyon dahil nag-aaral pa ang kapatid kong bunso. Miguel is in his third year of Architecture, dalawang taon pa ang bubunuin ko para makatapos siya, maybe after he passes the board exams, I'll stop being a stripper and find a real job – ang problema ay kung kaya ko ba. Sa totoo lang kasi, malaki ang kita ko sa paghuhubad. I earn fifteen to eighteen thousand weekly, hindi pa kasama ang tip ng mga clients ko, hindi pa rin kasama doon kapag may kasamang extra-service. Masakit man aminin pero hindi ko sigurado kung kaya kong iwan ang paghuhubad, natatakot ako na sa oras na mangyari iyon ay maghirap na naman kami.

Hindi naman kami mayaman, tama lang, hindi kami kinakapos, hindi rin nagkukulang, sapat lang ang kinikita ko para sa gastusin namin sa bahay, para sa gamot ni dad at para sa pag-aaral ni Miguel.

"Hindi ko pa alam, Mom, hindi pa tapos mag-aral si Miguel." Pagdadahilan ko. She sighed again. Niyakap niya ako. Maya-maya ay naramdaman kong umiiyak na naman siya. "Mom, stop crying." Saway ko sa kanya.

"Hindi ito ang pinangarap kong buhay ninyong magkapatid. Ikaw ang prinsesa namin ng daddy mo, you should have a life better than this, iyong hindi ikaw ang nagtatrabaho, kung hindi lang sana naipatalo ng daddy mo ang pera natin sa sugal---"

"Ma, tapos na iyon, okay na. Tanggap ko na na ganito tayo. Ang mahalaga lang naman ay iyong magkakasama tayo." Pilit akong ngumiti. Kumalas si Mommy mula sa sa yakap namin at saka pinahid ang mga luha niya.

"Magpahinga ka na, mamamalengke pa ako. Nasa ibaba ang daddy mo, tulog naman siya, matulog ka na."

Tinanguan ko si Mommy, lumabas siya ng kwarto at saka isinara ang pinto, nahiga naman ako sa kama at pilit kong iwinawaglit sa akin isipan ang mha haplos at halik sa akin ng mga estrangherong iyon. I sighed. Hanggang kailan ba ako sa ganito? Minsan gusto ko na talagang umalis, kung hindi ko lang iniisip na maghihirap na naman kaming muli ay matagal ko nang tinalikuran ang trabahong bumababoy sa buong pagkatao ko.

Ipinilig ko ang aking ulo at saka pinilit matulog. Ang hiling ko lang sana, kahit na madumi na ako, kahit na ang pangit-pangit ko na, sana dumating pa rin ang panahon na may isang lalaking tatanggap sa akin ng buong-buo.

Gustong-gusto ko nang matulog pero mailap ang antok sa akin, bumangon akong muli at saka bumaba, pinuntahan ko si Daddy sa silid nila ni Mommy, I saw him sitting by the window looking out. Nilapitan ko siya at saka hinagkan sa noo.

Hands all over (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon