16. Si Adam

159K 3.5K 164
                                    

"Anong ginagawa mo dito, Adam?!"

Halos mabingi ako sa boses ni Honey. It was Monday and I went to her studio to see if Aura was there, handa akong gawin ang lahat para lang makasama siya ulit. Gising na ako, tama si Lukas, dapat noong araw na iyon pa lang, hinabol ko na siya, pinuntahan, pero natakot ako. Natakot ako na baga itaboy niya ako at tama ako, ayaw na niya sa akin. Hindi ko rin naman siya masisi. I treated her badly.

"Honey, si Aura?" Tanong ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Wala, umalis nagpunta ng Dubai. Di na babalik, magtanong ka sa iba. Umuwi ka kay Satan!" Sunod-sunod na sigaw niya sa akin. Pati si Honey galit sa akin. I took a deep breath.

"Honey please." Ninoohan niya ako.Napangiwi ako. "Honey naman!"

"Bakit? Nahihirapan ka na ba? Goddamitt Adam! Wala pa iyan sa kalahati ng naramdaman niya noon!" Sigaw ni Honey sa akin. Alam ko iyon, kaya nga ginagawa ko ang lahat para bumalik siya sa akin. Mahal na mahal ko si Aura at hindi ako mabubuhay nang wala siya. Alam kong nasaktan ko siya, pero bumabawi ako, babawi ako, gagawin ko ang lahat mapatawad niya lang ako.

"Honey, si Aura?" Tanong ko ulit. Honey rolled her eyes. She shook her head then turned her back. Kahit hindi niya ako pinapasok sa studio niya ay pumasok pa rin ako. Tulad ng dati ay nagkalat ang mga papel na puro drawing ng sketches niya. Umupo siya sa high chair at saka uminom ng kape. Tahimik lang siya. I was looking around and I saw a picture of Aura wearing a wedding gown, kinuha ko iyon at saka tinitigan. She was really pretty, with our without make up, Aura's beauty floats among anything else.

"Ano? Nganga ka ngayon?" Tanong ni Honey sa akin. I sighed. "Paano iyan, Adam, Aura now belongs to a world with so many options. Paano kung may makilala siyang lalaking MAS mamahalin siya, MAS aalagaan siya at MAS tatratuhin siya nang maayos?"

I dreaded that thought. Naiisip ko pa lang, namamatay na ako. Iyong mga araw nga na hindi ko siya nakikita at nakakasama, hirap na ako, iyong pa kayang makahanap siya ng iba.

"Ako ang mahal niya. Sinabi niya sa akin na mahal niya ako." Tiningnan ko si Honey. She wasn't listening, she was sketching. I sighed. "Honey... please."

Bumuntong hininga siya at saka ibinaba ang lapis na hawak.

"Alam mong hindi kita matitiis kaya ganyan ka sa akin." Sabi niya. "Nasa Manila Hotel si Aura, may pictorial siya doon para sa make up line ni Sonny." Inis na inis na sabi niya. I smiled at her sa sobrang tuwa ko ay hinalikan ko siya sa noo.

"I love you, Honey Rose!" Sigaw ko habang tumatakbo palayo. Agad akong sumakay ng kotse. Kailangan ko talagang makita si Aura, halos tatlong araw ko na siyang hindi nalalapitan. Naging abala ako sa trabaho, tapos siya naman ay abala rin sa launching ng Fashion Line nila Honey. I really wanna be with her, kahit sandali lang. Makita ko lang siya, sapat na iyon para makatagal ako ng ilang araw.

Noong huli kaming nag-usap ang sabi niya gusto niya ng space, I'm giving that to her. Sinabi niya rin na kailangan kong mag-isip at sa tatlong araw na hindi ko siya nakikita, ginawa ko iyon. Nakapag-isip ako at alam ko, sigurado ako na gusto ko siyang makasama. I will do everything to ease the pain I gave her, I will heal her wounds and make her fall in love with me again just like six years ago.

Hindi naman mahalaga sa akin kahit hindi ako ang nauna. The mere fact that she did that for me was enough for me to love her more. Nagalit lang ako, pero mahal na mahal ko siya. Kaya nga nandito ako kung nasaan ako ngayon – lahat ng ito ay para sa kanya lang.

Hands all over (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon