6.Was and were

163K 3.6K 216
                                    

Still Summer of 2006

"Was and were are the past tense of is and are, gagamitin mo sila kapag past tense. Ano nga iyong past tense, Dam?"

Ang ganda talaga niya. Tahimik lang akong nagmamasid sa kanya. Bago ko siya nakita tatlong linggo na ang nakakaraan, hindi ako naniniwala na may babaeng kasing ganda niya. Ang akala ko, hindi nag-e-exist ang babaeng tulad niya. Maganda siya, kahit na nalagyan siya ng tae ng kalabaw sa buong katawan noong araw na iyon ay lutang pa rin ang ganda niya, maganda siya kahit napaka-kapal ng lipstick niya. Sa tingin ko, hindi naman niya kailangan iyon. Sa tingin ko, maganda siya kahit wala siyang kolorete, at tama ako, mas maganda siya ngayon dahil wala siyang kahit ano sa mukha. Nakasuot siya ng isang simpleg bestida, nakalugay ang mahaba niyang buhok, simpleng-simple at naaakit ako sa kanya.

"Dam!" Hinampas niya ang balikat ko. Pinigilan ko ang sarili kong hawakan ang malambot niyang kamay. Kahit naman nagagandahan ako sa kanya, alam kong hindi pa rin tama. Langit siya, lupa ako. Hindi kami bagay.

"Iyong nakaraan." Sagot ko. Nginitian niya ako. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang epekto sa akin ng matatamis na ngiting ibinibigay niya sa akin sa tuwing sasagot ako sa kanya ng tama.

"Galing! Okay, gawin mo itong work sheet after that, done na tayo for today." Muli ay ngumiti siya. Mabilis kong sinagutan ang ipinapagawa niya. Napansin kong uminom siya ng juice na nakatabi sa mesa, nasa loob kami ng mismong breakfast nook kung saan madalas niya akong turuan. Sabi nga niya, englis tutor daw. Kung ganito kaganda ang teacher ko, siguro maski wala akong naiintidihan, papasok ako araw-araw para lang subukin siyang intindihin.

"Tapos na." Sabi ko sa kanya. Kinuha niya ang red ballpen niya at saka tiningnan lahat iyon, maya-maya ay pumalakpak siya.

"Ang galing, tama ang lahat! Alam mo, matalino ka, Dam, sana mag-aral ka ulit." Sabi niya sa akin. Ngumiti ako, iba ang naramdaman ko noon. Ito ang unang pagkakataon na may ibang taong naniwala sa akin.

"Gusto mo bang mamasyal?" Tanong ko sa kanya. Ilang linggo na siyang mabait sa akin, sasamatalahin ko na kasi baka magbago na naman siya.

"Okay, saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"Sa falls, maglalakad lang tayo, baka mapagod ka."

"Ay hindi! Game ako diyan! Magpapalit pa ba ako ng damit?" Tanong niya sa akin. Umiling ako. Sabay kaming tumayo tatalikod na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Tumingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. "Lika na, hindi pa ako nakakapunta sa falls na iyon!" Excited na sabi niya.

Dinala ko siya sa lugar na iyon. Medyo malayo ang nilakad namin pero hindi siya nagrereklamo, wala pa kami sa kalahati, medyo masukal na ang daan, tinitingnan ko siya. Huminto ako at saka binabaan ang likod ko. Alam kong pagod na siya, pero hindi ko maintidihan kung bakit hindi siya nagrereklamo.

"Sakay." Sabi ko.

"Huh? Hu-huwag na D-dam, kaya ko paaaa!" Napatili siya ng ako mismo ang lumapit sa kanya para bumaba siya sa likod ko nang maramdaman kong nakapa-ikot na sa akin ang mga kamay niya ay naglakad nang muli ako.

"Dam, nakakahiya, ibaba mo na ako."

"Bakit ka naman mahihiya? Ang gaan mo nga, sa tingin ko masyado kang payat." Naramdaman kong hinampas niya ako sa likod. "Aray! Totoo naman, mula ngayon pag may pagkakataon ako, pakakainin kita." Tumingin pa ako sa kanya at saka kumindat. Muntik pa akong mapamura nang makita kong namula ang pisngi niya.

Hands all over (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon