20. Piece by piece

152K 3.4K 201
                                    

"Aura, are you okay?"

Hindi ko alam kung ilang beses na akong tinanong ni Adam nang ganoon. Mula nang umalis kami sa bahay ay tinatanong na niya ako. Ngiti lang naman ang palagi kong isinasagot sa kanya. Now, we're outside my parents' house, kanina niya pa ako niyayayang bumaba pero hindi ko magawa, parang hindi pa kasi ako handing makita si Mommy matapos nang nangyari almost three days ago. Hindi ko makalimutan ang nakita ko at kaya hindi ako makababa ay dahil sa natatakot ako sa magiging reaksyon ko kapag nagkaharap na kami.

"Why don't you just tell me what's wrong, mahal ko?" Hinawakan ni Adam ang balikat ko. Muli akong napaiyak. He pulled me closer and he made me rest my head on his chest. Napahawak na rin ako sa balikat niya. Hindi ko pa sinasabi kay Adam ang nangyari nang araw na iyon, I tried acting as if it didn't matter at all pero nakahalata na rin yata siya dahil sa tuwing sinasabi niya sa akin na puntahan namin si Dad para madala na namin siya sa specialist ay tumatanggi ako. I just don't want to see mom, no yet, not while the memory was still fresh.

"Aura..." He said my name like it was the most natural thing he could think of. I wiped my tears and fixed myself. Nginitian ko siya.

"Lika na." I said to him. He nodded at me. Sabay kaming bumaba ng sasakyan. Adam took my hand as we walk side by side. Kumatok ako sa bahay at si Miguel ang nagbukas.

"Ate!" He greeted me. I just smiled at him. Tiningnan niya si Adam.

"Architect, kamusta po?" He even shook Adam's hand. Miguel was an architectural student at isa sa mga tinitingala niya sa field niya si Adam. I remember the first time he met him, parang gusto pa niyang magpa-picture kay Adam.

Pumasok kami ni Adam sa loob. Agad ko namang tinungo si Dad, nang pumasok ako sa kwarto ay agad kumunot ang noo ko. May isang babaeng nakatayo sa likod ng wheel chair ni dad, she was wearing a nursing uniform.

"Sino ka?" Tanong ko. Agad akong nagpunta sa likuran ni Dad at kinuha sa kanya ang wheelchair ni Daddy. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang pa. "Sino ka?!"

"Aura, what's wrong?" Adam entered the room. He saw the nurse roo.

"Ma'am, ako pa iyong private nurse ng daddy ninyo," wika niya sa akin. Private nurse? At saan naman nakakuha si Mommy ng pambayad para sa private nurse ni Dad? Hindi ko pinansin iyong babae, itinulak ko si Dad palabas, bago kami makarating sa pinto ay humarap muna si Adam sa kanya para magmano, kahit paano ay napangiti ako. I placed dad's wheelchair near the window, gusto niya doon, nakikita niya ang labas.

"Si Mom?" Binalingan ko si Miguel.

"Umalis, Ate, kumain na kayo, nagluto na si Ate Inday." Sabi pa ni Mig. Nanonood siya ng tv. Lalong kumunot ang noo ko.

"May maid kayo?" Tanong ko. Tumango si Miguel.

"Ewan ko kay Mommy, sinasabi ko sa kanya lagi na hindi naman yata kaya ng budget natin iyong maid na iyan saka iyong nurse ni dad, sabi niya lang may kaibigan daw siyang tumutulong sa kanya. Ewan ko ate, iba iyong tingin ko." Sabi pa niya sa akin. Tiningnan ko si Dad, kasalukuyang kinakausap ito ni Adam, pareho silang nasa may bintana at nakatingin sa labas.

"Nasaan si Mommy?" Tanong ko.

"Sinundo siya ng kaibigan niya. Si Mr. De Jesus."

Natigilan ako nang marinig ko ang pangalang iyon.

"Mabait siya, Ate, sinama kasi ako ni Mommy noong isang araw, nagkita sila, tapos binilan niya ako ng gamit, mga bagong damit, he even bought me a new phone." Miguel said. "Ayoko sanang tanggapin pero sabi ni Uncle Darwin, pambawi niya iyon sa akin." He smiled. "Mabait din si Kuya Calvin."

Hands all over (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon