5. The new old

166K 3.7K 471
                                    

Still Summer of 2006

Isang linggo na ang lumipas mula nang simulan ko ang pang-aakit sa hardinero ni Lola pero para bang hindi niya ako napapansin. Hindi ko alam kung anong kulang sa akin. Maganda naman ako. Lagi namang maikli ang suot kong shorts, lagi akong naka-make up, magandang-maganda ako pero hindi niya ako pinapansin. Gusto kong mainsulto dahil nakakaliit naman talaga ng pagkababae ang pandededma sa akin ng Dam na iyon! Sino ba siya para hindi ako bigyan ng pansin! Babae ako, maganda at ako na ang lumalapit sa kanya pero wala pa rin!

"Lola, where is Dam?" I asked Lola that afternoon while we were sitting in the living room. She was reading the Bible while I was busy painting my toenails. Naiinip na naman ako, kailangan ko ng mapaglilibangan kaya hinahanap ko si Dam.

"Siguro nag-aayos, inutusan ko siyang bumili ng mga binhi sa bayan."

Binhi? Magtatanim na naman siya? I looked at Lola.

"Can I come with him? I haven't been to the bayan." I said. Naiisio ko pa lang na makakasama ko si Dam ay nakakadama ako ng tuwa. Kapag pinayagan ako ni Lola, sasama ako kay Dam, tingnan ko lang kung hindi niya pa ako mapasin.

"Gusto mong sumama kay Dam sa bayan?"

"Yes Lola, one week na ako dito pero di pa ako nakakagala. I wanna see the bayan." I said.

"Okay, if you say so." Simpleng sagot niya. I smiled.

"Games, I'll just change." Tumayo ako at umakyat sa kwarto ko. I picked out a pair of very short shorts and razorback white sando. I wore that and I put on some make up. Nang masiyahan ako sa sarili ko ay saka lang ako bumaba at bumalik sa sala. Nakita ko si Adam doon. He was wearing a yellow kamisa de chino and a pair of ripped faded jeans. I don't even know how it's possible but every goddamn time I see him, he looks even manlier.

"Hi, Dam!" I greeted him. Mukhang nagulat naman siya sa pagbati ko.

"Good afternoon, Ma'am Aura." He said. I just smiled.

"O ayan, sasama daw sa'yo, ingatan mo ang apo ko, Dam ha?" Sabi ni Lola. I rolled my eyes.

"Lika na, Dam, I'm excited!" I said to him. Kinuha ko ang kamay niya at saka hinatak siya palabas ng mansyon. Dinama ko ang kamay niya, magaspang iyon, halatang sanay sa trabaho, samantalang ang kamay ko, napakalambot, hindi bagay sa mga kamay niya. Gusto ko sanang ialis ang pagkaka-holding hands namin pero kasama iyon sa plano ko so I just let it be.

"Ahm, Ma'am iyong kamay ninyo po." Sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kamay ko na nasa kamay niya. Tumaas ang kilay ko.

"So what? Hindi ka pa ba nakaka-holding hands sa babae?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi lang ho tama, amo ko kayo." Simpleng sabi niya at saka binitiwan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Gusto kong matawa, mukhang virgin pa siya. Kung sabagay, ako din.

"Where are we going ba?" I asked him. I flipped my hair. Kitang-kita kong napalunok siya. I grinned. Tinatablan din pala siya?

"Sa bayan ho, bibili lang ng mga binhi."

"Please, wag mo na akong tawaging, Ma'am at wag mo na akong i-po. I'm only eighteen. Ikaw, how old are you na?"

"Twenty-one po." Sabi niya sa akin. I rolled my eyes.

Hands all over (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon