2. SHIT LANG!

107K 1.7K 215
                                    

2

Wala masyadong pasok kasi nga first day pa lang ng school kaya kami ngayon iniwan na ng teacher namin. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung may text si Celine  sa akin. Wag muna kayo mag react. Hindi ako nagkamali sa pangalan ng gf ko. Nagkataon lang talaga na may gf din akong Celine ang pangalan. Sabi ko sa inyo pogi ako eh. Pero si Celine at si Carol hindi magkakilala ang mga yun at wala akong pangarap na magkakilala sila. 

Charm! Charm! Napatingin kaming dalawa ni Charm kay Mike.

Ano yun Chael? ( KA-el) Namention ko na ba na hindi lang ako ang may ibang pangalan para kay Charm? Halos lahat ng classmates namin iba ang tawag niya sa tawag ng karamihan. Katulad na lang nitong si Michael, Mike ang tawag ng lahat  pero ang tawag ni Charm sa kanya, Chael. Pero wala tayong magagawa kasi sadyang weird ang babaeng to. 

Chinese ka ba? Halatang pinipigilan ni Mike ang tawa niya.

Hala! Oo, Baket?? Ngumisi na din si Charm. Alam ko simula na naman ng kulitan nila. Simula pa lang first year kami isa na si Charm sa mga classmates naming babae na close sa aming mga lalaki. In short one of the boys pero hindi naman siya tomboy. Babaeng babae nga ang dating eh. Pero ewan ko ba kung bakit ang gaan ng loob naming mga lalaki sa kanya.

Kasi singkit ang mga mata mo! Tapos tumawa si Mike ng malakas pati na rin si Charm. Ako pinipigilan ko ang tawa ko. Ayaw kong makiepal sa kanilang dalawa.

Hahaha. Ano yun banat? Tawa ng tawa pa din si Charm habang tinatakpan ng panyo ang bibig niya.

Hindi yun banat, katotohan yun.  Tapos tumawa ulit silang dalawa. Di naman nakakatawa. Tsss. ANg ingay ingay nga nilang dalawa eh. 

Hahaha. yan ang gusto ko sayo Chael eh. ANg corny corny mo talaga!

Kaya nga gusto din kita eh, tumatawa ka sa mga corny jokes. Wahahahha.

Apir tayo dyan!

Apir! At nag apir nga sila sa harap ng mukha ko. Take note, sa harap ng mukha ko. Takte! hindi ko alam kung sinasadya nila yun o hindi lang sila aware na andito ako. Ganito kasi ang sitting arrangement namin

wall------> Michael------->Ako------>Charm...

Hoy! Hindi niyo ba ako nakikita? Muntik niyo nang tamaan ang ilong ko dahil sa kakulitan niyo.

Alam naman namin na di ka tatamaan kaya cool ka lang dyan. Magtext ka na lang kaya sa mga gf mo habang wala pa si Ma'am. Mamaya pupuslit ka na naman mahuli ka pa! Ikaw pa naman ang SG President. Kita mo to kung makarason si Charm. Dapat nga sinasaway niya ako kasi SG Officer din siya pero kinukunsinti pa ako. Pambihira talaga.

Pero Charm, matanong ko nga, bakit hanggang ngayon wala ka pa ring boyfriend? Napatigil ako sa pagtext nung marinig ko ang tanong ni Mike. Di ko alam kung bakit napatigil ako. HIndi ko na rin magawang pindutin ang keypad ng cellphone ko para magreply kay Cheryl, isa ko pang gf. Pero gustong gusto kong malaman ang sagot sa tanong ni Mike. In fact, inaanticipate ko ang sagot ni Charm. Pero nagulat na lang ako nang may lumipad na notebook sa harapan ko papunta kay Michael. Buti na lang nakailag si Mike kung hindi sana sapol siya. Takte! Binato na pala siya ni Charm ng notebook.

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon