3. Oi! Si Charm. :D

93.7K 1.5K 127
                                    

3

Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin naalis sa isip ko ang halikang naganap sa amin ni Charm. Ampupu! ANo bang meron ang labi noon? May poison ata yun eh. Tapos hindi pa maalis sa isip ko ang mukha niya pagkatapos naming magkiss. Ampupu lang talaga! Kanina nga nung Physics namin napatingin ako sa kanya and she's biting her lips dahil siguro nahihirapan siya sa lesson,  napalunok ako. Naadik na ata ako sa labi niya.  Ahmp talaga!

Oi si Charm. AUtomatic na napalingon ako na tinitingnan ni Mike pero wala naman akong nakitang Charm.

Yun lang naman pala ang makakapagpabalik sa kanya sa katinuan eh. Tapos nagtawanan sila. Pinagbabatukan ko nmga. Pinagtitripan ako eh.

Mga ogag talaga kayo!

Ano bang problema mo tol? Kanina ka pa kasi tulala.Sabi ni Ken. Kaklase din namin at isa sa mga barkada ko.

Hindi ano Kenpogi. Sino. At isa lang ang sagot dyan. Si Charm. Napatingin lahat sila sa akin. Napakamot ako ng ulo. Pambihira talaga itong si Mike. Palibhasa kitang kita kasi niya pag napapalingon ako kay Charm which is quite frequent these days.

Are you in love with her Pare? itong si Ivan kung makapagtanong wagas!

OO nga pare. Gusto mo si Charm?

Hindi ko alam. Naguguluhan ako eh.

Talagang maguguluhan ka. SA daming C na girlfriend mo, tapos dadagdagan mo pa ng isang C. Aba wala ka bang planong lumipat sa ibang alphabet. Hahahaha. Nagtawanan sila. Napapangiti lang ako. Sa totoo lang naguguluhan talaga ako.

Si Camille pare. Lumingon ako sa sinasabi ni Ivan at nakita ko ang isa sa mga gf ko na papalapit. TUmayo agad ako. Ayaw ko munang makita kahit isa sa kanila. Mas magugulo ang isip ko pagnagkataon.

O saan ka pupunta?

Pag tinanong ako sabihin mo, ahhmmmm, pinatawag ako ni Ma'am. Tapos nagmamadali akong naglakad papuntang SG Office. Damn! ngayon ko lang naramdaman ang hirap ng pagiging pogi.

Pagdating ko ng SG Office, hindi na ako kumatok. Binuksan ko agad ang pinto pero nagulat ako nung sabay kaming nagbukas ng pinto ni Charm. Palabas na siya ako naman papasok.

Charm...

Sam! Mukhang nagulat din siya. Napatingin siya sa akin. Nagkatinginan kami.

I miss you. Sh!t! Bat ko sinabi yun?

Ano?

Ah wala. Sheet! Ano ba! Natataranta ako. Bakit ba ako natataranta.

Ahh. Okay. Sige aalis na ako. Lalagpasan na niya sana ako nung hinawakan ko ang isang kamay niya. Hindi ko pa rin alam kung bakit ginagawa ko ito. Basta automatic alng ang reaction ng katawan ko. Parang kalokohan. Parang di ako ang kumocontrol sa sarili ko.

Saglit Charm. Gustong gusto kong banggitin ang pangalan niya.

Bakit? Napatingin siya sa kamay niya na hawak ko pero hindi naman niya inalis. Hinihintay niya sigurong kusa kong bitawan pero hindi ko yun ginawa. Instead, hinila ko siya palapit sa akin and kissed her.

This time hindi na aksidente, this time sinadya ko na. I've been longing to do this since last week. This time hindi lang nagdampi ang labi namin, this time I wanted our lips to linger. Kung pwede pa lang na halikan ko na lang siya habang buhay gagawin ko. Na para bang siya na lang ang hangin na hinihinga ko.

HIndi siya nagresist nung hinalikan ko siya, yet hindi rin siya nakipaghalikan sa akin. I ended the kiss and hugged her. Matagal ko siyang niyakap hanggang sa maramdaman ko ang mahina niyang pagtulak sa akin.

Why did you do that? I know that she's referring to the kiss and the hug. I can see confusion in her eyes na parang hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari.

I don't know. Saglit kong nakita na naningkit ang mga mata niya tapos tinalikuran na niya ako at iniwan sa loob ng SG office.

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon