J. O. Chapter 12

2.7K 24 11
                                    

CHAPTER 12

Money Pakyaw...

Nag-kalat ang iba’t ibang ilaw, camera at rack ng wadrobe sa loob ng studio sa isang sikat na TV Channel. May nagaganap na shooting para sa isang teen magazine for girls, para sa article nito tungkol sa isa sa mga sikat na batang artistang lalaki ngayon.

Nakaupo sa kumportableng upuan ang binatang hindi maikukubli ang kagwapuhan, kutis artista, matangos ang ilong, hindi na kailangan ng lipstick ang mamula-mula niyang labi, singkit ngunit mapungay ang mata. Naglalaro sa cellphone niya ang binata nang lumapit sa kanya ang isang mukhang high class na babae.

“Baby... naglalaro ka naman.”

“Ma...?” humalik ang binata sa babae. “Why are you here?”

“I’m just checking you out my little boy, and I want you to know na... nakausap ko na yung school kanina na pupuntahan natin tomorrow.”

“And? Are they happy? Is ... she there? Is she really there?”

“Well, yeah... they were shock na nagpapabayad ka 50% less and yes... Jessie is studying there and she is a first year sr. high.”

Ngumiti ang binata at nagisip. “May I visit the school today ma? Hehe.”

“Dan...”

“Please Ma... I’ll disguise myself! Hehe please... please..”

“You still have a shoot to do DJ, maybe after this... I can... let you go there.”

“Really?”

“Yes, but I will accompany you... and siguro maganda kung iinform natin yung school for some simple security.”

“Pero Ma, gusto ko po pumunta dun as a normal person.”

“You are normal...”

“But what I mean is, most of them are my elementary classmates... I wanna meet them all.”

“DJ, artista ka. You are at the prime of your carreer ever since nagtop yung movie mo... pag pinagkaguluhan ka doon... ano lang gagawin mo?”

“Well... I do hate filthy people.” Nagisip siya, inilagay ang cellphone sa bulsa tumayo at naginat. “I’ll try to contact one of my old classmate there... hehe miss ko na talaga sila.”

“Sila? Or siya...?”

“Haha... I do miss teasing her.”

Maaga nagkita-kita sina Nico para puntahan ang binigay na address ni Mang Dindo, si Grace ang sumundo kay Trixie... pupunta sila kina Chellie at magsusukat na ng mga damit na maari niyang maisuot sa contest pagkatapos ay pupunta na sa school para mag praktis. Hindi pina-alam nina Jessie kay Trixie ang pagpunta nila sa bahay ng nanay nito, dahil na rin sa pakiusap ni Mang Dindo.

Umiinom ng softdrinks si Jessie nang bigla siyang masamid. “Give number... *ubo*”

“4...” bigay ni Nico.

“10” bigay ni Ralph.

“a-b-c-d... D.” ulk! D... D for Dan! Waaah... bakit naman ako iisipin nung hambog na yun... at ayoko ngang isipin niya ako.

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon