J. O. Chapter 10

2.7K 23 4
                                    

CHAPTER 10

Duyan...

Maaliwalas ang paligid, hindi mainit ang mataas na sikat ng araw na sinasabayan ng bahagyang paghangin. Doble ang kalat na makikita sa school ground ng St. Claire, kasabay ng mga iba’t ibang booth na tinayo ng mga istudyante meron din nagbukas ng food stand. Ang supposed to be ‘Linggo ng Wika’ ay tila ba naging school week na.

“Lilo, anong show sa gym ngayon?”

“Dance Contest lang...”

“Maganda yun ah! Tera Vivi, nood tayo.”

“Hindi naman gaano, kasi traditional dance eh.. tinikling, bao dance, mga ganun-ganun.”

“Ay boring...”

“Kaya nga haha, dun tayo may binbentang mga anime stuffs doon.”

“Sige.”

Kung hindi nanonood sa gym ang mga istudyante, sinusulit nila ang booth na nagtitinda ng mga bagay na mabenta sa mga kabataan. May kissing booth na ang nakapwesto sa ngayon ay si Bianca, kasama pa rin ang dalawa niyang alalay na sina April at Jannine. Pinapasa niya sa dalawa ang gusto makakiss pag hindi niya type.

“Bianca, bakit naman lagi na lang yung mga nerd... at panget yung pinapakiss mo samin.” Naka-limang halik na si April bago niya napansin ang ginagawa ni Bianca.

“Ano naman masama... at least diba may nagagawa kayo.”

“Penge naman kaming pogi, maraming pogi rin sa mga 2nd year eh...” sinamahan ng doggy eye ni Janine ang pakiusap.

“No.” pero matigas talaga si Bianca.

Ang tambayers ng rooftop ay nagtipon-tipon uli, pero di gaya ng dati kulang ang grupo nila at 4 sa kanila ang malayo ang kinauupuan. Umaalingasaw ang mga ubo at singa ni Jessie sa rooftop.

“Jessie... mabuti pa higa mo na yan.” Payo ni Mae.

“I’m ok, ok?” bumaling siya kina Nico na tahimik lang din at kinakapa ang mga pasa. “Naghanap ba kayo kagabi o nakipag-away lang? *sniff*”

“Parehas.”

“Napaaway lang kami Jessie, hehe dota stuffs you know.” Ngumiti si Kirby pero hindi ito binili ni Jessie.

“Wag kang ngumiti alam kong hindi ka ok.”

Kumamot lang siya sa ulo.

“Pero Jessie, sabi mo nakita mo na siya... saan ba yun? Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpapakita.” Si Mae lang ang nakakaalam sa nangyaring hanapan kagabi.

Sasabihin ko na ba... *sniff* masisira ang tingin nila kay Grace pag sinabi ko na sa makasalanang eskinita ko siya nakausap... “Diyan lang sa tabi-tabi... aaaah! Sakit ng buto ko!” tumayo siya at lumapit kay Ralph, nakatanaw siya sa mga tao sa baba.

“Ooooh~ ang daming food stand... OI! Nico! Libre mo ako mamaya pagbaba!”

“Oo na.”

“Ralph... anong tinitignan mo diyan?”

“Wala naman, nanonood lang.”

“Ah... hmm” inikot ang mata... na nabaling sa babaeng mahaba ang buhok na sumilip lang sa gate pagkatapos ay umalis na. Grace! Nagulat sina Nico sa pagtakbo niya ng walang pasabi, hindi na siya naabutan nina Nico at Ralph dahil pagdating nila sa baba ay natabunan na ang daan ng maraming istudyanteng nakaistambay.

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon