[16] Heart to Heart talk namin ni Bryle.

453K 3.2K 666
                                    

Chapter 16

Hope's POV 

Nanghina yung mga tuhod ko. Para ngang matatapon itong plato na hawak ko eh. Anong ginagawa nila doon? Bakit sila magkayakap? :( 

At bakit kahit saang anggulo ko tingnan bagay sila? :( 

"Love! What are you doing? Mahuhulog na plate mo. Are you okay?" 

Alam kong si Bryle yun pero hindi ko nasagot kasi hindi ko maalis ang mata ko kay Venice at Enzo. 

"Love, are you in love with Enzo?" 

*Blaaam*



At ayun nga tuluyan ko ng nabitawan ang plato ko. Lahat sila tumingin sa akin, si Bryle ang nagsabi na okay lang lahat. Ako, nanghihina dito. Ang bigat sa damdamin na tipong gusto mong may gawin pero wala kang magagawa. 

"Love, halika nga dito." Tapos hinila niya ako sa harap ng bonfire na medyo malayo sa mga tao. 

"Answer my question. Are you in love with Enzo?"  

Paano ko sasagutin 'to? Kapag ba sinabi kong Oo sasabihin niya kay Enzo? :| 

"Oo."

Kahit hindi ko gustong sabihin, hindi ko kayang magsinungaling sa nararamdaman ko. 

"I thought so. Nahalata ko na yan dati pa eh. I just don't want to jump to conclusions." 

Ang bait talaga ni Bryle. Napatingin ako sa kanya at nakatingin din siya kay Venice at Enzo. 

"Since naguusap na rin naman tayo ng ganito, tapatin mo nga ako Bryle. Mahal mo pa ba si Venice?" 

Ngayon siya naman ang hindi makasagot. Maya maya pa, tumawa siya at sinabing..

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon