Prologue

27.7K 749 138
                                    



Muling umikot ang bote ng softdrink na nasa gitna naming siyam. Kami nina Ariane, Nero, AJ, Mike, Gelo, Jermie, Miles at Aaron. Matagal ring nagpaikot-ikot ang bote hanggang sa tumigil iyon sa tapat ni Gelo, ang kaklase ko na may walong hikaw sa kanang tainga, lima sa kaliwa at ang alam ko ay mayroon ring isa sa dila. Mula sa nilalaro kong keychain na clown ay tumaas ang tingin ko patungo sa kanya.

"Oh game! Ikaw naman Gelo, paano mo gustong mamatay?" nae-excite na tanong ni AJ. Babae siya na minsan ay parang lalaki kung kumilos.

Siyam na lang kami na natirang gising sa huling gabi ng camping namin kasama ang iba pa naming kaklase at mga teacher na malamang ay naglalaway na sa kani-kanilang tent. Camping iyon ng section namin para raw magkaroon kaming magka-kaklase ng bonding bago matapos ang huling taon namin sa Faubourg Academy.

"Ako?" ani Gelo bago saglit na humitit-buga sa hawak niyang sigarilyo. "Simple lang. Gusto ko lang mamatay sa tapyas."

"Tapyas?" takang ulit ni Aaron.

"Oo,pero gusto ko una nilang tatapyasin sa akin 'yung mga braso ko, tapos 'yung paako. Tapos siyempre pati 'yung ilong ko gusto ko matatapyas rin bago nilalalaslasin 'yung leeg ko na parang dinuguan!" 

"Eeewww!" bulalas ni Miles na bigla nang binitawan ang hawak na barbeque.

"Grabe ka Gelo, ang morbid naman no'n!" nandidiring sabi ni Ariane.

Napatitig ako sa magandang mukha ni Ariane. Para sa akin, siya ang pinakamagandang babae sa buong Faubourg Academy.

"Anong kadiri do'n? Astig nga eh," nakangiting sabi ni Aaron, ang boyfriend ni Miles.

"Ayoko na ng game na ito, iba na lang," sabi ni Ariane.

"Truth or dare kaya?" mahinang sabi ko. Nakita ko ang pagguhit nang pilit na ngiti sa mga labi ni Ariane. Hindi! Ngiti talaga 'yun dahil natuwa siya sa suhestyon ko.

"Oo, go ako d'yan!" si Jermie lang yata ang sumang-ayon sa akin.

Wala naman kasi akong magagawa kung hindi man sila sumang-ayon sa suhestyon ko kaya ibinalik ko na ulit ang mga tingin sa ko sa kanina lang ay nilalaro kong keychain na may pulang buhok. Noong una pa lang ay ayoko na sa game na naisip ni Nero na nagsimula lang sa kwentuhan ng mga horror movies. Mahilig ako sa mga clown pero hindi ako mahilig sa horror movies. Kaya sobrang naiinis ako kapag ginagawa nilang katatakutan ang mga clown.

Tumayo na si Mike, ang pinaka-gwapo sa barkadang Wantutri kung saan asungot lang ako. Hindi rin lingid sa kaalaman ko na matagal na siyang may gusto kay Ariane kaya lagi nga lagi niya akong binu-bully. Inabot na niya ang bote at muling pinaikot.

Mabilis iyong umikot...

Nagapikot-ikot...

Hanggang sa unti-unti nang bumagal at nagbadyang malapit nang huminto.

Malapit na malapit na...

Napapalunok ako napatingin sa bote.

"Yahooo!!! Sa wakas, tumapat rin kay Rayden!"

"Akala ko hindi ka na matatapatan eh!"

"Si Rayden na lang pala ang hindi pa nakakasagot sa game na ito!"

Halos lahat ng pitong kasama ko ay nakangiting nakatingin sa akin. Ang iba sa kanila ay mapang-asar pa ang mga ngiti. Hindi ko tuloy alam kung kakabahan o mae-excite ba ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay sa akin tumapat ang nguso ng bote ng softdrink na kanina pa namin pinaglalaruan.

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now