Chapter 33

53.9K 981 136
                                    



Anne Del Rio

Umandar na ang bus kaya sumandal na ako saka nilagay yong headset sa tenga ko. Kasama namin si Jean na halatang ayaw isama ni Jillian.

"Babe." Inakbayan niya ako saka niyakap. Yumakap na rin ako sa bewang niya saka humalik sa pisngi niya. Pansin kong nakatingin sa amin yong katabi ni Jean na pasahero pero hindi ko na lang pinansin. Malamang iniisip non na ang landi ko. Pisngi lang naman ni Jillian ang hinalikan ko.

Nasa byahe na kami. Medyo nangangalay ako kaya sumandal na lang ako sa kanya habang nakahawak siya sa bewang ko. Mas matagal ang biyahe kapag commute.

Nagstop over kaya kailangan kong pumunta ng banyo. Si Jillian at Jean naman nag-order muna ng pagkain. 15 minutes lang ay aalis na ulit ang bus.

Ang dami namang foreigner dito.

After ko mag-CR pansin ko yong dalawa kumakain na. Pero may tinitingnan sila. Napatingin ako kung saan sila nakatingin.

Kaya naman pala! Sa mga babae na naman sila nakatingin. Nagngingitian pa sila pero bigla silang tumahimik nang makita nila akong papalapit na sa kanila.

"Babe, kain na kasi aalis agad yong bus."

"Alam ko."  Gumagana na naman ang pagiging suplada ko. Halatang napapangiti si Jean, mga babaero talaga. Binilisan ko na lang kumain saka kami pumasok dito sa loob ng bus. Tinalikuran ko siya dahil naiinis ako sa kanya!

"Babe, yakap kita."

"Yakapin mo yang mukha mo."

"Babe, naman. Huwag ka nang magalit, oh."

"Babaero ka, yang mga mata mo kung kani-kanino nakatingin." Hindi ba siya nakukuntento sa akin. Nakakainis talaga.

"Sorry na. May nakita lang kasi kami ni Jean na nakakatawa kaya kami nakatingin sa mga babaeng yon."

"Tse!" akala niya maniniwala ako. Hindi ako nagpayakap sa kanya hanggang sa makarating kami dito sa probinsya. Sasakay pa kami ng Jeep para makarating sa San Agustin.

"Babe, ano naman sasabihin ni Wendy sa akin kung ganito tayo nag-aaway na naman."

Hay naku! Oo nga naman.

"Sige palalagpasin ko yong ginawa mo kanina pero kapag inulit mo ulit babasagin ko yang mukha mo!"

"Aray!" si Jean saka ngumiti.

Hmp!

Sasakay na sana kami ng Jeep nong may dumaan na sexy na babae. Naka maiksing short at naka see through siya na damit. Ang puti niya pero nong makalagpas na tawanan tong dalawang kasama ko.

Napapailing na lang ako.

Alam ko kung bakit sila natatawa. Naka see through nga may bimpo naman sa likod. Okay na sana, eh. Pati ako napapangiti. Pero ano namang masama kung maglagay ng bimpo sa likod, di ba?

Bagong style.

Basta babae napapansin ko si Jean panay ang lingon niya. Eto at nakasakay na kami sa Jeep.

After ng bakasyon namin dito kina Wendy ay sa probinsya ko naman kami pupunta. Ang tanong paano ko ipapakilala si Jillian sa pamilya ko bilang kasintahan ko?

Kilala ko si Tatay ayaw na ayaw non na nakakakita ng bakla. Paano ako? Hindi naman ako bakla pero ganon din naman yon.

"Babe kanina ka pa tulala malapit na tayong bumaba."

Napalingon-lingon ako. Oo nga. Hawak ni Jillian tong kamay ko kahit nong pababa na kami ng Jeep.

"Yey andito na tayo sa Province namin!" si Jean. Natatawa tuloy ako lalo na nong dinagukan siya ni Jillian.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon