Chapter 26

98.7K 1.2K 189
                                    

Jillian Fuentes




Tagaytay, Philippines

Ang akala ko noon ay hindi magagawang ma-appreciate ni Anne ang mga efforts na ginagawa ko para sa kanya, pero iba siya ngayon dahil nasasabi na niya sa akin ang totoong nararamdaman niya.

"Babe, tara sa kitchen naghanda sina Manang Sonia ng lunch. Sila ng asawa niyang si Mang Dante ang nagbabantay dito sa resthouse."

Pagpasok namin dito sa kusina nakahain na ang mga pagkain. Bigla tuloy akong nagutom.

"Jillian, madalas ka ba rito?"

Umupo na kami at nagsimulang kumain. Bulalo ang hinanda nilang ulam para sa amin.

"Madalang babe. Madalas dito nagbabakasyon sina Mom at Dad kapag dumadating sila rito sa bansa. Dito sila nagha-honeymoon."

Halos maibuga niya yong sabaw na hinihigop niya. Natatawa siya, kulang na lang saksakin niya ako ng tinidor dahil sa sinabi ko.

"Bakulaw ka talaga, Jillian."

"Sorry babe. Siya nga pala, tumawag si Mom kagabi."

"Talaga? Anong sinabi niya?"

"Bakit daw hindi ko sinabi sa kanya na may 'babe' na ako. Pinagpapalit ko na raw siya."

"Nagalit ang Mom mo?"

"No, tanggap niya. Pero umiiyak siya habang kausap ko siya kasi binata raw pala ang anak niya."

Natatawa kaming pareho.

Sa side ko tanggap nila na ganito ako. Buti na lang hindi masyadong komplikado pagdating sa family ko.

After lunch ay niyaya ko naman siyang magpunta sa kwadra ng kabayo.

"Babe nakasakay ka na ba ng kabayo?"

"Oo sa Probinsiya. Bakit, anong gagawin natin?

"Sasakay ng kabayo."

Hawak ko ang kamay niya hanggang sa makarating kami rito sa may kwadra ng mga kabayo. Nilabas agad ni Manong Dante si Evergreen sa kwadra.

"Jillian, hindi ko ata kayang sumakay diyan. Ang laki kasi ng kabayo. Sa Probinsiya pandak lang yong sinakyan ko."

"Ako na lang sakyan mo, babe." bulong ko. Humarap siya sa akin saka niya ako kinurot.

"Sige ikaw na lang. Asan yong tali?"

"Nagbago na ang isip ko babe. Mamayang gabi mo na lang ako sakyan." Hinapit ko ang bewang niya saka ko siya dinampian ng halik sa pisngi niya. Nauna na akong umangkas. Sumunod naman ang babe ko. Tinulungan siya ni Manong Dante para makaangkas.

"Jillian, natatakot ako." halatang natatakot nga ang babe ko. Medyo nanginginig siya.

"Humawak ka mabuti sa bewang ko, babe."

"Okay. Basta dahan-dahan lang, ha?"

"Yes babe." Hawak ko na yong tali ng kabayo. "......hyah!!" Napakapit siya ng mahigpit sa bewang ko nong magsimulang tumakbo si Evergreen. Papunta kami sa kakahuyan. Matagal na din mula nong huling punta ko rito. Matataas ang mga puno at may mga tanim na saging.

Pagkalagpas ng kakahuyan may isang burol na may nakatayong isang puno ng kamachile sa tuktok. Hinila ko yong tali para tumigil na si Evergreen.

"Nandito na tayo babe." Narating namin ang paanan ng burol.

"Ang cute naman non Jillian. Iisa lang yong puno sa tuktok ng burol."

"Yup at aakyat tayo doon." Itinali ko si Evergreen pagkababa namin saka namin inakyat ang burol. Napagod ata ang babe ko sa pag-akyat dahil hinihingal siya. Umupo na ako. Masarap langhapin ang hangin at malamig dito kahit sumikat pa ang araw. Umupo na din siya dito sa tabi ko.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Where stories live. Discover now