Chapter 19

91K 1.3K 139
                                    



Jillian Fuentes

Naglalakad ako papuntang campus. Hinatid ko muna si Anne kanina sa apartment niya pagkagaling namin sa bahay.  Nauna akong pumunta rito sa school dahil may meeting ang team.

Habang naglalakad ako nakita ko si Jean at Jo nakaupo sila sa bench. Napansin din nila ang pagdating ko kaya kumaway sila sa akin. Binilisan ko ang maglakad halos tumakbo na ako saka ko hinagis yong bag ko sa kanila, eksakto namang nasalo ni Jo.

"Bakit parang masaya ka?" tanong ni Jean paano ngiting-ngiti na naman ako.

Umupo ako sa pagitan nila.

"Langya ka, Jill!" reklamo naman ni Jo saka niya hinampas sa akin yong bag ko.

"Namiss ko kayong dalawa, kaya nga nakangiti ako dahil nakita ko kayo." sabi ko saka ko sila inakbayan.

"Kung namiss mo talaga kami kiss mo nga kami sa lips?" sabi ni Jean saka siya ngumuso sa akin.

"Ugh! 'di pwede magagalit ang babe ko kapag kiniss ko kayo."

"Bakit kayo na ba?"tanong ni Jo.

"Hindi sila, kawawang bata."sabi naman ni Jean, sabay pa silang tumawa.

Ako kawawa? Pasasaan ba at mahuhulog din yon sa akin.

Bigla kaming natigilan na tatlo nong mapansin namin yong isang girl na naglalakad. Maganda at napaka-sexy, ang iksi ng skirt niya. Padaan na siya sa amin.

Lumingon siya saka ngumiti sa aming tatlo.

Woah gorgeous, pero hanggang tingin lang ako kasi loyal ako sa babe ko. Mas yummy yong mga dimples niya sa pisngi.

"Jill, delikado 'tong isa." bulong ni Jean sa akin nong makadaan na yong girl sa tapat namin. Natawa naman ako, nagets ko agad yong sinabi niya dahil napansin namin si Jo na nakatitig pa rin sa girl. Super kembot naman kasi.

"Ang sexy, di ba, Jo?" tukso ni Jean. Sa aming tatlo kami lang dalawa ang Les. Alam namin straight si Jo pero mukhang nahahawaan na.

"Type ko yong skirt niya."sagot niya sa amin saka siya ngumit.

"Woshu!!!"panunukso namin sa kanya. Pulang-pula tuloy siya habang napapailing

"Gago talaga kayong dalawa." halatang naasar siya sa amin.

Tawa kami nang tawa ni Jean at kahit nasa meeting na kami hindi namin tinitigilan ang panunukso dito sa isa.

After ng meeting pumunta na kami ng classroom. Papasok na kami ng room pero napatigil kaming tatlo rito sa may pintuan. Literal na nakatayo lang kami na para bang hindi namin maihakbang ang mga paa namin.

"Good morning girls start na tayo sa class natin?" yong sexy na girl kanina nakatingin siya sa amin ngayon.

Wait lang, Prof namin siya?! Oh wow!

Pumasok na kami at umupo. Dito ako sa tabi ng babe ko. Akalain mo yon, Prof pala siya. Ang bata niyang tingnan.

"Good morning class by the way I'm Jackelyn Santos ako muna ang papalit kay Mr. Cruz"

Si Mr. Cruz yong makinis ang bunbunan. Nasa hospital daw siya dahil inatake raw ng gout.

Napatingin ako sa bagong Prof mula legs pataas hanggang sa dibdib niya. Aw! Ang laki ng boobs!

Naramdaman ko na may sumipa sa paa ko.

Tumaas ang kilay ko saka ako tumingin sa babe ko. Nakatingin din siya sa akin saka siya nagtaas ng kilay, napakunot-noo ako.

Forbidden Flower | JFuentes #1 (GXG) ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora