Epilogue

73.3K 1K 123
                                    


Anne Del Rio

Paggising ko nakabangon na si Jillian. Tumayo na rin ako.

"Goodmorning, babe." Ngiting ngiti siya.

Hmp! Inirapan ko nga siya saka ako pumasok ng banyo. Naghilamos at nagmumog muna ako.

"Babe, bumili ako ng pandesal at palaman tara breakfast na tayo." Hindi ako umimik basta lumapit ako sa kanya. Dito kami sa harap ng TV kakain ng pandesal. Tahimik lang ako habang kumakain saka ako nagtimpla ng kape.

"Bakit parang ang tahimik ng babe ko, meron ka 'no?"

"Huwag mo akong asarin kung ayaw mong buhusan kita ng kape!"

"Ang sungit ng babe ko."

Bakit kapag siya ang hindi ko pinagbigyan maganda pa rin ang gising niya. Bakit kapag ako ang hindi pinagbigyan parang mainit ang ulo ko. Hindi parang kundi mainit talaga ang ulo ko.

Hanggang matapos kaming kumain hindi ko siya kinausap. Mukha niya!

"Babe, aalis na ako. Huwag ka nang masungit. I love you, babe" sabi niya saka siya tumayo. Ako eto nakaupo pa rin. Ayoko siyang pansin.

"Babe, bakit naman ang sungit mo sa akin?" lumuhod siya sa harapan ko saka niya ako hinalikan sa legs.

"Umuwi ka na, saka na tayo magkita at magusap." Naiinis kasi talaga ako! Hay bakit ba ang init ng ulo ko?

"Babe umamin ka nga----"

"Ano?"

"Wala, babe. Ang sungit sungit sungit sungit mo!" tumayo na siya saka lumabas ng pinto pero bumalik ulit siya. "May nakalimutan ako." tiningnan ko siya paglapit niya siniil niya ako ng halik. Napapikit na lang ako.

"Huwag ka na magsungit, ha babe?"

Tumango ako. Umalis na siya. Naiwan akong magisa rito sa apartment. Para tuloy akong ewan. Tumayo na ako at nagshower para mawala yong init ng katawan at ulo ko. Normal pa ba 'to?

After kong maligo sinimulan ko nang maglinis saka naglaba. Hapon na pero hindi pa nagpaparamdam yong bakulaw na yon! Ni text wala!

Hindi ko na nagawang maglunch. Pupunta na lang ako sa palengke. Walking distance lang naman kaya naka-pangbahay lang ako. Nagpusod ako ng buhok saka ko kinuha yong wallet ko.

Naglalakad na ako papuntang palengke pero natigilan ako.

"Huwag kang kikilos nang masama kung ayaw mong masaktan!" boses ng lalaki. Bigla akong tumigil sa paglalakad. Gusto kong sumigaw pero parang may nakatutok sa tagiliran ko.

"Manong, huwag niyo po akong sasaktan. Eto po ang wallet ko." Nanginginig ako sa sobrang takot pero hindi niya kinuha 'tong wallet ko. Ano pala ang kailangan niya sa akin?

"Lakad, huwag kang sisigaw." Naglakad ako. Napansin kong may kotse na nakaabang.

"Manong mahirap lang po kami!"

"Huwag kang maingay kung ayaw mong masaktan!" Naiiyak na ako. Tinulak niya ako papasok dito sa loob ng kotse. Tinali niya ang mga kamay ko sa likod ko saka niya ako nilagyan ng piring sa mata.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Where stories live. Discover now