Chapter 9

79.9K 1.3K 69
                                    


Jillian Fuentes

Nagising ako ng madaling araw.

Hindi ako makapaniwalang yakap-yakap ko na siya. Ohhh Anne. Ang lambot ng katawan niya. Tulog na tulog siya habang nakayakap siya sa akin.

Hindi ko napigilang haplusin ang pisngi niya.

'Yong liwanag na nanggagaling sa labas ang nagsisilbing ilaw para maaninag ko yong kagandahan niya, sana ganito palagi, katabi ko siya at napagmamasdan.

Napatingin ako sa labi niya. Napalunok ako dahil gusto ko siyang halikan. Ano kayang pakiramdam? Iba kasi kapag mahal mo ang hinahalikan mo. Bumibigat tuloy yong pag hinga ko, nakatitig lang ako sa labi niya.

Sa totoo lang, nanginginig ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya. Gusto ko talaga siyang halikan. Pero patay ako kapag nagising siya, bahala na. Hindi ko na mapipigilan pa, dahan dahan kong inilapit ang mga labi ko sa mga labi niya, para na akong mababaliw.

Anne mahal kita.

Iyon ang gusto kong isigaw at wala nang makakapigil pa sa akin. Buong katawan ko nanginginig na sa pananabik, ngayon ko lang naranasan 'to. Sa isang iglap lang ramdam ko na ang labi niya. Oh sh*t ang lambot. Napapikit ako habang hinahalikan siya. Parang may tumatambol sa dibdib ko. Para akong kinukuryente. Nakikiliti yong mga dulo ng daliri ko dahil ang sarap sa pakiramdam na mahalikan siya. Ang tagal kong hinintay to, iba siya sa lahat.

Gusto kong umiyak. Paano ka ba magiging akin? Mamahalin mo rin kaya ako? Paulit-ulit na tanong ng isip ko.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala yong luha ko. Mahal na mahal ko siya. Ngayon lang ako umiyak ng ganito. Ayokong mawala siya sakin. Anne mahal na mahal kita.

Ninakawan ko siya ng halik. Kung pwede lang hindi na matapos ito. Isang mainit na halik ang idinampi ko sa noo niya pagkatapos ko siyang halikan sa  labi niya saka ako umupo dito sa gilid ng kama, hindi na kasi ako makatulog samantalang ang sarap ng tulog niya.

Hintayin ko lang mag-umaga at uuwi na ako. Ilang sandali akong umupo rito sa gilid ng kama habang pinagmamasdan siya at binabantayan.

Nang lumiwanag na ay kinuha ko na yong unan niya na lagi kong dala saka ko siya hinalikan sa pisngi. Masaya ako na malungkot. Ngayon ko lang narealized na ang pinakamahirap gawin ay ang umalis sa tabi ng mahal mo.

Whew ako pa ba to?

Lumabas na ako ng pinto. Yakap yakap ko tong unan habang naglalakad ako papuntang kotse, napapangiti ako. Napalingon pa ako ng isang beses sa bahay niya bago ako tuluyang sumakay ng kotse.

Diretso uwi na ako.

Pagdating ko ng bahay may time pa ako na matulog kahit one hour lang. Pagkahiga ko nakatulog agad ako.

....

After two hours.

Halos madapa ako sa pagtakbo dahil late na ako! Hindi kasi ako nakapag-alarm. Naalala ko si Jo papasok na din kaya makikita ko na siya

Pagdating ko ng room nagdidiscuss na. Umupo agad ako dito sa tabi ni Anne.

Nakakapagtaka laging bakante ang tabi niya. Takot siguro silang umupo dito dahil baka masipa ko sila.

Si Jo andito sa may harapan ko. Lumingon siya sa akin pero hindi siya ngumiti. May inabot siya sa akin na maliit na papel.

May nakasulat. ["Jean will be leaving tomorrow"]

"What?!"

Hindi ko napigilan. Napasigaw ako. Napatingin tuloy sa akin ang lahat. Oops!
Pati yong Prof na nag didiscuss tumingin sa akin. Baka isipin niyang hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.

Forbidden Flower | JFuentes #1 (GXG) ✔Where stories live. Discover now