Chapter 17

92.7K 1.4K 116
                                    



Jillian Fuentes




Ang sarap ng pakiramdam ko pagka-gising ko. Tulog pa rin ang babe ko ang sarap niyang yakapin. Sana ganito lagi, hinding hindi ako magsasawang yakapin siya.

Kiniss ko siya sa noo at saka sa ilong niya.
Nakayap din siya sa akin. Sexy niya sa suot niyang silk lingerie na puti. Yong legs niya nakapatong sa legs ko.

Napangiti tuloy ako.

Naalala ko kagabi sobrang kabado ako nong hawakan ko yong dibdib niya. Grabe ang lambot, buong katawan ko nakukuryente habang hinahaplos ko siya.

Gusto ko sana higit pa don ang maganap sa amin kaso ayoko siyang biglain.

Ay siya nga pala muntik ko na makalimutan.
May lakad ang barkada.

"Babe gising na may lakad tayo."

"Hmmm Jillian inaantok pa ako."sabi niya saka siya tumalikod.

"Tumayo ka na."

Bumangon na ako saka ko hinila yong paa niya.

"Jillian asar ka talaga matutulog pa ko!"

"Magka-camping tayo kasama ang barkada, bilisan natin pag nahuli tayong dalawa may parusa tayo."

"What?! Bakit pati ako?"

"Seyempre kasama ka."

"Tumayo ka na diyan baka paghubarin tayo sa harap nila 'pag nahuli tayo."

"Jillian wala akong gamit."

Nakaupo na siya at gulo-gulo ang buhok.
Tsk ang sexy niyang tingnan ang ganda pa.

"Yong bag na nakapatong sa sofa yon gamit mo, pinabili ko sa P.A. ko nong isang araw, kumpleto na yon tsaka napalaundry na rin yon babe."

Napatingin siya sa bag saka siya tumingin sa akin. Ang sama sama na naman ng tingin niya. Pumasok na ko ng banyo at nagbihis na.

After namin magbihis byahe na agad kami. Bandang South kami pupunta at habang nagdadrive ako natutulog naman siya.

Napagod ata sa ginawa ko sa kanya kagabi.
Napapangiti tuloy ako. Palingon-lingon ako sa kanya habang nagda-drive ako, paano ang sarap nakawan ng halik.

Hanggang sa makarating kami tulog pa rin siya.

"Babe gising na andito na tayo."

"Hmmm Jillian?"

"Bakit babe?" tanong ko saka ko siya kiniss sa gilid ng lips niya.

Tinanggal ko na yong seatbelt niya tapos hinaplos ko yong pisngi niya.

"Nakatulog ako."

"Yup ang tagal mong natulog."

Kami na lang pala ang hinihintay nila.

"Babe late tayo lagot ka."

"Jillian ayokong maghubad." 

Para siyang maiiyak. Natatawa tuloy ako. Biro ko lang naman yon para sumama siya.

"Don't worry babe akong bahala sayo."

Kung sakali man, hindi ako baliw para pumayag na paghubarin siya sa harapan nila 'no! Baka pag-untugin ko silang lahat 'pag pinaghubad nila ang babe ko.

Bumaba na kami ng sasakyan.

"Jill Anne!" sigaw nila nong makita kami.
Lumapit na kami sa mga kaibigan ko saka sila nakipagbeso sa amin. Napansin ko may kasama silang bago.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Where stories live. Discover now