Chapter 1

245K 2.5K 292
                                    

Jillian Fuentes

"Hey, Jill!"nahintuan ako at napalingon. Nakita ko si Jean na papalapit sa akin, hinihingal ito dahil halatang tumakbo. Isa siya sa mga matalik kong kaibigan, kaklase at kasama sa mga kalokohan. Maganda, sexy at matalino. Ang pamilya niya ang may ari ng pinakamalaking Yacht club sa Pilipinas, at may mga negosyo rin ang pamilya nila sa abroad.

"Kailangan mo ba talagang tumatakbo habang tinatawag ako?" ang sabi ko sa kanya.

"Kanina pa ako sigaw ng sigaw kakatawag sayo bingi!" halatang naiinis siya. Natatawa tuloy ako. Hindi ko talaga siya maririnig dahil naka-earphone ako, narinig ko na lang siya nong malapit na siya sa akin.

"....why? Anong atin?"pinipigilan kong matawa, halata kasing hapong-hapo siya.

"Well I just want to remind you about the party tonight. Don't tell me nakalimutan mo?"

"Uhm of course not. Ako pa ba!"

Napakamot ako sa ulo.

Well honestly hindi ko na talaga matandaan kung anong party yon. Masyado na ata akong naging busy lately para makalimutan ang isang bagay. Tumaas ang dalawang kilay ko. Mainam na itanong ko na lang din kung anong party ba ang tinutukoy niya. Madalas kasi wala akong paki-alam sa mga bagay bagay kaya siguro hindi ko matandaan.

"....ano nga ba----."

"Sige, see you after the practice."tumalikod na siya at naglakad palayo.

"Hey, Jean!"sigaw ko pero itinaas lang niya ang isang kamay niya, halatang wala na siyang oras para makipag usap sa akin.

Oo nga pala may practice kami mamaya ng volleyball. Varsity Player kami at kasama ko si Jean sa team and this is our 2nd year in college, hindi naman sa pagmamayabang sikat ang school namin dahil ang aming team ay ang defending champion ng volleyball.

"Hey you!" boses iyon ni Johansen Latrel o mas kilala bilang 'Jo'.

Bigla na lang siyang sumulpot sa likuran ko at inakbayan ako. Maliban kay Jean si Jo ay bestfriend ko at kasama rin namin siya sa team. Maganda rin siya at very expressive ang mga mata. Si Jo ang itinuturing naming bunso dahil mas bata siya ng ilang buwan sa amin ni Jean.

Si Jean maiintimidate ka kapag kausap mo siya, pero sa una lang yun kasi sa totoo lang baliw din siya kagaya ko.

Si Jo cool lang, pero madalas siyang tahimik, minsan baliw din at kung gusto mo ng sekreto na hindi makakalabas sa kanya mo ikwento.

Kami ang Trio.

.....trio sa kalokohan.

Ako naman madalas masabihang mayabang at masungit, iyon ang first impression nila palagi sa akin. Well, hindi ko sila masisisi dahil mayabang talaga ako lalo na kapag nasa loob ako ng volleyball court.

Close kaming tatlo na magkakaibigan, kami halos lagi ang mgkakasama most of the time. Mula High School kami na ang magbabarkada.

"Jo, kumusta na?"

"Okay lang. Where's Jean?"

"Uhm kanina nandito siya ni-remind niya ako na pumunta sa party mamayang gabi."

"Ah yeah, we'll expect you there, got to go, see you." sabay beso at tumalikod na. "....hahanapin ko muna si Jean!"pasigaw na saad niya.

Oh nice hindi man lang niya binanggit kung ano ba yong party na yon!

Makakalimutin na ba talaga ako?

Sa tingin ko ay Oo!

Dumiretso na ako sa klase. Maaga pa kaya may oras pa na gumala sina Jean at Jo.

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Where stories live. Discover now